Maituturing na ikawalo sa pinakamagagandang tanawin sa mundo ang tulay ng Brooklyn sa bansang Amerika nang matapos ito noong 1883. Pero para maisakatuparan iyon, kailangang maikabit ang isang lubid na yari sa bakal sa magkabilang dulo ng tulay para mapatibay ito. Nagsimula sa isang maliit na lubid hanggang humigit na sa limang libong lubid na yari sa bakal ang naikabit sa tulay. Mula ngayon, ito ang nagpapatibay sa tulay ng Brooklyn.

Isinilang naman sa maliit na bayan at inihiga sa isang sabsaban ang Panginoong Jesus (ʟᴜᴄᴀꜱ 2:7). Ipinahayag ni Propeta Micas ang kapanganakan na ito ni Jesus, “Betlehem Efrata, kahit na isa ka sa pinakamaliit na bayan sa Juda, manggagaling sa iyo ang taong maglilingkod sa Akin bilang pinuno ng Israel” (ᴍɪᴄᴀꜱ 5:2; ᴛɪɴɢɴᴀɴ ʀɪɴ ᴀɴɢ ᴍᴀᴛᴇᴏ 2:6). Kahit hindi magarbo ang kapanganakan at pagdating ni Jesus, Siya naman ang tunay nating Pastol at mamumuno sa ating lahat. At “kikilalanin ng mga tao sa buong mundo ang Kanyang kadakilaan” (ᴍɪᴄᴀꜱ 5:4).

Isinilang si Jesus sa isang maliit na lugar na nagpapakita ng kapakumbabaan. Namuhay Siya sa mundong ito nang may pagpapakumbaba at naging masunurin sa Dios hanggang ialay Niya ang Kanyang buhay para mamatay sa krus (ꜰɪʟɪᴘᴏꜱ 2:8). Ang ginawang pagsasakripisyo ni Jesus ang naging daan upang makalapit tayo sa Banal na Dios. Kaya naman, magsisi at magtiwala tayo kay Jesus nang sa gayon, maligtas tayo sa kaparusahan sa kasalanan. At bilang mga na kay Cristo na, buong kapakumbabaan nawa natin Siyang purihin at sambahin.