Sinabi ni Eugene Peterson sa kanyang pagbubulay sa Awit 120, “Nagsisimula ang kamalayan ng mga nagtitiwala kay Jesus sa pagkaunawa na kasinungalingan pala ang inaakala nating katotohanan.” Ang Salmo 120 ang unang “awit ng pag- akyat” (ꜱᴀʟᴍᴏ 120–134) na inaawit ng mga manlalakbay patungo sa Jerusalem. Ayon pa sa pagsusuri ni Peterson sa A Long Obedience in the Same Direction, ipinapakita ng mga awit na ito ang ating espirituwal na paglalakbay patungo sa Dios. Ngunit magsisimula lamang ang paglalakbay sa sandaling magkaroon tayo ng malalim na pagkaunawa sa ating pangangailangan ng pagbabago. Gaya ng sabi ni Peterson, “Kailangan munang magalit ng tao sa kalagayan ng mga bagay upang tahakin ang daan ng pananampalataya. Kailangan niyang magsawa sa mga makasanlibutang paraan bago siya magkaroon ng pagkagusto para sa mundo ng biyaya.”
Madaling panghinaan ng loob dahil sa kawalan ng hustisya na nakikita natin sa mundo—sa paraan kung paano nagiging walang malasakit ang ating lipunan sa mga pagdurusang nararanasan ng iba. Inilalahad ng Salmo 120 ang ganitong hinaing: “Ang nais koʼy kapayapaan, ngunit kapag akoʼy nagsalita tungkol sa kapayapaan, ang gusto nilaʼy digmaan” (ᴛᴀʟ. 7).
Ngunit may pag-asa at kagalingan sa pagkaalam na maaaring maging daan ang ating mga sugat upang magising tayo sa isang bagong simula. Sa pamamagitan ng ating tanging kalakasan— ang Tagapagligtas na gumagabay sa atin mula sa mapanirang kasinungalingan tungo sa mga daan ng kapayapaan at kabuuan (ꜱᴀʟᴍᴏ 121:2). Sa pagsisimula ng bagong taon, nawa’y hanapin natin Siya at sundan ang Kanyang daan.