Bilang bisita sa isang maliit na bayan sa Kanlurang Africa, sinigurado ng aking Amerikanong pastor na makarating nang maaga para sa 10 a.m. Sunday service. Ngunit pagdating niya sa loob ng kapilya, walang tao. Naghintay siya ng ilang oras. Sa wakas, bandang 12:30 p.m., dumating ang pastor, kasunod ang ilang miyembro ng mang-aawit at mga tao. Saka nagsimula ang pananambahan “sa tamang panahon,” ayon sa aking pastor. “Tinanggap kami ng Espiritu, at hindi huli ang Dios.” Naunawaan ng aking pastor na may sariling kultura ang bayan na iyon.

Maaaring maging maaga o huli kung ang oras ang pagbabatayan. Pero ipinapakita sa buong Biblia na laging sakto ang Dios sa Kanyang pagkilos. Nang magkasakit at mamatay si Lazaro, dumating si Jesus makalipas ang apat na araw. Nagtanong ang mga kapatid ni Lazaro kung bakit hindi agad dumating si Jesus. Sinabi ni Marta kay Jesus, “Panginoon, kung narito ka lang, hindi sana namatay ang kapatid ko” (ᴊᴜᴀɴ 11:21). Marahil ganoon din ang ating iniisip. Nagtatanong din tayo kung bakit hindi nagmamadali ang Dios para ayusin ang ating mga problema. Gayon pa man, mas mabuting maghintay nang may pananampalataya sa Kanyang pagtugon.

Tulad ng isinulat ng dalubhasa sa Biblia na si Howard Thurman, “Naghihintay kami, Dios Ama, hanggang sa ang Iyong lakas ay maging aming lakas, hanggang sa ang Iyong puso ay maging aming puso, hanggang sa ang Iyong kapatawaran ay maging aming kapatawaran. Naghihintay kami, O Dios, naghihintay kami.” At kapag sumagot ang Dios, tulad ng kay Lazaro, mapalad tayo. Ang totoo, hindi pa huli, sakto lagi ang pagtugon ng Dios.