Matatagpuan ang bayan ng Boise, Idaho sa gitna ng mga burol na unti-unting tumataas patungo sa mga kahanga- hangang kabundukan. Kaya naman tuwing taglamig, nababalot ng makapal na ulap ang paligid at natatakpan nito ang liwanag ng araw. Sa panahong iyon, madalas umaakyat ang mga taga-Boise sa malapit na bundok upang hanapin ang sinag ng araw. Kapag nalampasan na nila ang mga ulap, humihinto sila sa gilid ng daan upang magbabad sa init ng araw. Nagbibigay ng lakas ng loob ang sinag ng araw sa mga taong nakatagpo ng liwanag nito.
Alam naman ng manunulat ng Salmo 119 na mas matapat at walang hanggang maaasahan ang Dios kaysa sa liwanag ng araw. Sinabi pa ng manunulat na, “nananatili sa kalangitan” ang Dios at ito ang naging gabay niya sa gitna ng mga pagsubok na mas matindi pa sa isang maulap na panahon (ᴛᴀʟ. 89). Ang walang hanggang katotohanan at katapatan ng Dios ang kanyang naging kaligayahan at lakas ng loob sa mga panahong iyon ng paghihirap.
Tulad ng manunulat, maaari tayong lumapit sa Dios sa panahon na humaharap tayo sa matitinding pagsubok (ᴛᴀʟ. 94). Lagi nating alalahanin ang Kanyang katapatang “nananatili sa lahat ng salinlahi” at lumapit tayo sa Kanya upang maranasan ang mainit na liwanag ng Kanyang pag-ibig (ᴛᴀʟ. 90).