Naupo ako sa upuan ng simbahan sa likod ng isang babae habang tumutugtog ang kantang “I Can Only Imagine.” Itinaas ko ang aking kamay habang umaawit ng papuri sa Dios. Narinig ko rin ang magandang boses ng babae na sumasabay sa kanta. Pagkatapos ng simba, nakapag-usap kami ni Louise, ang babaeng nasa aking unahan. Sinabi niya sa akin ang tungkol sa kanyang karamdaman. Kaya nagpasiya kaming manalangin para sa gamutan ng kanyang kanser.

Pagkalipas ng ilang buwan, sinabi sa akin ni Louise na natatakot siyang mamatay. Lumapit ako sa kanya at binulong ko ang aking panalangin. Inawit ko rin sa kanya ang aming paboritong kanta. Pagkalipas ng ilang araw, inisip ko kung paano kaya pinapapurihan ni Louise ang Dios nang harap-harapan.

Nagpaabot naman si Apostol Pablo ng kaaliwan sa kanyang mga mambabasa na humaharap sa kamatayan (2 ᴄᴏʀɪɴᴛᴏ 5:1). Ito ang kaalamang makakasama natin si Jesus (ᴛᴀʟ. 2-4) sa ating mga paghihirap na nararanasan dito sa mundo.

Habang nag-iintay naman tayo sa muling pagbabalik ng Dios o sa pagtawag Niya sa atin, mamuhay tayong pinaparangalan Siya. Magalak tayo sa kapayapaang ating nararanasan dahil sa pananatili Niya sa ating tabi. Ano kaya ang mangyayari sa panahong lilisanin na natin ang mundong ito at makakasama na natin ang Panginoon magpakailanman? Naiisip mo ba?