Noong Hulyo 20, 1969, lumabas sina Neil Armstrong at Buzz Aldrin sa Apollo 11. Sila ang mga unang taong lumakad sa ibabaw ng buwan. Ngunit hindi natin masyadong pinag-uusapan ang tungkol sa ikatlong kasama nila na si Michael Collins, ang nagmaneho ng sinakyan nila na Apollo 11.

Nang bumaba ang mga kasama ni Collins, naiwan siyang mag-isa sa may dulong bahagi ng buwan. Sinabi pa ng mga taga-NASA, “Maliban kay Adan, si Mike Collins palang ang taong nagkaroon ng gayong pag-iisa.”

Nararamdaman din natin ang pag-iisa. Tulad halimbawa ng naramdaman ni Jose na anak ni Jacob, nang dalhin siya sa Ehipto matapos siyang ipagbili ng kanyang mga kapatid (ɢᴇɴᴇꜱɪꜱ 37:23-28). Gayundin nang ipatapon siya sa bilangguan dahil sa maling paratang (39:19-20).

Pero kung iisipin natin, paano nga ba nakaligtas si Jose sa bilangguang nasa ibang lupain at walang kasamang pamilya? Ito ang sagot: dahil “kahit nasa bilangguan si Jose, ginagabayan pa rin siya ng Panginoon” (ᴛᴀʟ. 20-21). Apat na beses na nabanggit ang katotohanang ito sa Genesis 39.

Nakararamdam ka ba ng pag-iisa o pagiging malayo sa iba? Lagi lamang nating alalahanin ang pangako ni Jesus: “Lagi ninyo Akong kasama” (ᴍᴀᴛᴇᴏ 28:20). Hindi tayo kailanman mag-iisa kung si Jesus ang magiging Tagapagligtas natin.