Nang marinig ni Pastor Warren na isang miyembro ng kanilang simbahan ang umiwan sa kanyang pamilya, hiniling niya sa Dios na mabigyan siya ng pagkakataong makita at makausap ito. Pinakinggan naman ng Dios ang panalangin niya. Nakita niya ang lalaki nang pumasok siya sa isang kainan. Nakapag-usap sila at nanalangin nang magkasama.

Tila naging isang pastol ng kanyang nasasakupan si Warren. Tulad ito ng sinabi ng Dios kay propeta Ezekiel, na aalagaan Niya ang Kanyang mamamayan. Ipinangako rin ng Dios na “dadalhin Ko sila sa sariwang pastulan; hahanapin Ko ang mga nawawala at naliligaw, ililigtas at titipunin Ko silang lahat at gagamutin Ko ang mga may sugat at may sakit, palalakasin Ko ang mahihina” (ᴇᴢᴇᴋɪᴇʟ 34:12-16). Makikita sa mga ito ang nag-uumapaw na pagmamahal ng Dios sa Kanyang bayan. Kapahayagan ng mga gagawin ng Dios sa hinaharap ang mga salitang ito ni Ezekiel. Pero bukod dito, nagpapakita rin ito ng walang hanggang pagmamahal ng Dios at ng Pastol na nagkatawang tao.

Anuman ang ating kalagayan, palagi tayong hinahanap ng Dios. Ninanais Niyang iligtas tayo at dalhin sa sariwang pastulan. Hinahangad Niyang sundan natin ang Mabuting Pastol, na inialay ang Kanyang buhay para sa Kanyang mga tupa (ᴛɪɴɢɴᴀɴ ᴀɴɢ ᴊᴜᴀɴ 10:14-15).