Nag-aalala ako. Nagkaroon kasi kami ng hindi pagkakaunawaan ng aking kaibigan. Hindi ko man gustong gawin, alam kong dapat ko siyang tawagan upang humingi ng tawad. Alam ko ring hindi ako naging mabait o nagpakumbaba man lang noong huling nag-usap kami.
Habang hinihintay ang pagsagot sa aking tawag, naisip ko, paano kung hindi niya ako patawarin? Paano kung ayaw na niya akong maging kaibigan? Nang sandali ring iyon, nagkaroon ako ng pagkakataon upang ipagtapat sa Dios ang aking kasalanan sa pangyayari. Nakaramdam ako ng kaginhawaan, sapagkat alam kong pinatawad at pinalaya na ako ng Dios sa aking kasalanan.
Hindi natin malalaman ang magiging tugon ng mga tao sa pag-aayos natin ng ating relasyon sa kanila. Hayaan na natin sa Dios ang bagay na ito kung nagawa na natin ang dapat nating gawin—kung nagpakumbaba na tayo at humingi ng kapatawaran. Kahit hindi kaagad natin malutas ang mga ganitong problema, kailangan nating tiisin ito. Dahil mayroong kapayapaan sa piling ng Dios. Laging nasa tabi natin ang Dios, naghihintay lamang Siyang ipakita sa atin ang kagandahang-loob at awa na kailangan natin. “Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, Siya ay tapat at banal na magpapatawad sa ating mga kasalanan” (1 ᴊᴜᴀɴ 1:9 ᴀʙᴀʙ).