Hindi naging maganda ang buhay ni Andrea sa kanilang tahanan. Kaya noong labing-apat na taon na siya, umalis siya at nanirahan sa kanyang mga kaibigan. Sumama rin siya sa isang lalaki sa pag-asang mahanap ang pagmamahal at pagkilala. Ngunit hindi niya natagpuan ito. Kaya, patuloy niyang hinanap ang pagmamahal at pagkilala ng iba. Hindi naman nagtagal, nakilala niya ang mga taong nagtitiwala kay Jesus. Ipinagdasal siya ng mga ito. Ilang buwan ang lumipas, natagpuan na niya ang tanging makapapawi ng kanyang uhaw sa pag-ibig—si Jesus.
Napawi rin ang uhaw ng babaeng taga-Smaaria nang lapitan siya ni Jesus sa balon para humingi ng tubig. Naroon siya sa kainitan ng panahon (ᴊᴜᴀɴ 4:5-7). Marahil para makaiwas na rin sa titig at pag-uusap ng ibang mga babae na nakakaalam ng kanyang pakikiapid (ᴛᴀʟ. 17-18). Bilang isang Judio, alam ni Jesus na hindi Niya maaaring kausapin ang babae. Ngunit dahil nais Niyang bigyan ang babae ng tubig na nagbibigay buhay (ᴛᴀʟ. 10), ginawa pa rin Niya ito. Nais Niyang pawiin ang uhaw ng babae.
Sa ating pagtanggap kay Jesus bilang ating Tagapagligtas, iniinom natin ang tubig na nagbibigay buhay. Pagkatapos, maaari na natin itong ibahagi sa iba at anyayahan sila na sundin si Jesus.