Isinalaysay ng manunulat at mag-aaral ng Biblia na si Russell Moore ang napansin niyang kakaibang katahimikan sa loob ng ampunan sa Russia. Hindi nagtagal, ipinaliwanag din naman sa kanya ang dahilan. Natutunan na ng mga sanggol na tumigil sa pag-iyak. Dahil wala rin namang tutugon sa pag-iyak nila.
Tulad ng mga sanggol, ganito rin minsan ang ating nararamdaman sa tuwing nahihirapan tayo sa buhay. Pakiramdam natin walang nakakarinig sa atin. Ang pinakamasama pa, pakiramdam natin hindi na nakikita at hindi na nakikinig ang Dios sa atin. Ngunit hindi ito totoo. Nakikita Niya tayo! Kaya naman magandang tularan natin ang ginawa ni David sa Salmo 61. Ipinaabot niya ang kanyang mga kahilingan at pangamba sa Dios sa pamamagitan ng pananalangin. Sabi niya, “tumatawag ako sa Inyo dahil nawalan na ako ng pag- asa. Dalhin Nʼyo ako sa lugar na ligtas sa panganib, dahil Kayo ang aking kanlungan, tulad Kayo ng isang toreng matibay” (ᴛᴀʟ. 2-3).
Kaya naman manalangin pa rin tayo sa panahong nahihirapan tayo. Tulad ng ginawang pananalangin ni David sa kanyang kahilingan at pangamba. Upang hindi tayo maniwala na hindi na nakikinig sa atin ang Dios. Dahil ang totoo, palagi Siyang nakikinig. At kasama natin Siya. Sa ating pananalangin, mapapatunayan natin na makapangyarihan, mabuti, at tapat ang Dios sa atin.