Naalis si Peter sa kanyang trabaho. Mag-isa pa naman niyang itinataguyod ang kanyang pamilya. Kaya taimtim siyang nanalangin na magkaroon muli ng trabaho. At nang may mag-alok sa kanya ng napakagandang trabaho, nasabi ng kanyang kaibigan ito: “Tiyak na ito na ang sagot ng Dios sa iyong mga panalangin.”
Gayunpaman, nag-alinlangan si Peter nang mabasa niya ang tungkol sa katiwalian ng kompanya. Sa huli, tinanggihan ni Peter ang alok na trabaho, kahit na kailangan niya ito. Sabi pa niya, “Naniniwala akong nais ng Dios na gawin ko ang tama. Kailangan ko lamang magtiwala na pagkakalooban Niya ako.”
Bukod pa dito, naalala rin ni Peter ang kuwento ni David. Sa kuwento, tila nabigyan ng pagkakataon si David na patayin si Saul, ang taong tumutugis sa kanya. Ngunit hindi ito ginawa ni David. Katuwiran niya, “Huwag ipahintulot ng ᴘᴀɴɢɪɴᴏᴏɴ na ako’y gumawa ng ganitong bagay... gayong siya ang binuhusan ng langis ng ᴘᴀɴɢɪɴᴏᴏɴ” (1 ꜱᴀᴍᴜᴇʟ 24:6 ᴀʙᴀʙ). Naging maingat si David sa pag-unawa sa kanyang sitwasyon. Tapat pa rin niyang sinunod ang mga utos sa kanya ng Dios at ginawa niya ang tama.
Sa halip na bumatay sa mga tanda at pahiwatig mula sa mga kaganapan, mas mainam na hilingin natin ang gabay at karunungan mula sa Dios. Tutulungan Niya tayong malaman kung ano ang tamang gawin.