Nakakamangha! Nagtatrabaho ang isang chacma baboon na isang unggoy para siguruhing nasa tama nitong riles ang isang tren. Jack ang pangalan niya. Alaga siya ni James Wide na isang railway signalman o tagabigay ng hudyat sa mga tren. Nawalan ng mga paa si Wide nang mahulog siya sa riles ng tren. Kaya naman, para may makatulong sa kanya, tinuruan niya si Jack upang tumugon sa mga signal ng mga paparating na tren.

Nabanggit din sa Biblia ang tungkol sa isa pang hayop na tumulong sa isang tao sa nakakamanghang paraan—ang asno ni Balaam. Isang paganong propeta si Balaam na naglilingkod sa isang haring naglalayong saktan ang Israel. Habang nakasakay sa kanyang asno si Balaam upang tumugon sa hari, “pinagsalita ng Panginoon ang asno” at nagsalita ito kay Balaam (ʙɪʟᴀɴɢ 22:28). Paraan ng Dios ang pagsasalita ng asno upang ipakita kay Balaam (ᴛᴀʟ. 31) ang babala Niya sa napipintong panganib, at pigilan siya upang saktan ang Kanyang mga tao.

Isang unggoy sa riles. Isang asnong nakakapagsalita. Nakakamangha! Kung ginagawang instrumento ng Dios ang mga kahanga-hangang hayop na ito para sa Kanyang magandang layunin, hindi malayong gawin din ng Dios ito sa iyo at sa akin. Kailangan lamang nating manatili sa Kanya at laging manalangin para makamit natin ang Kanyang layunin.