Kuha ni Louis Daguerre ang unang litrato ng isang tao. Noong 1838 ito. Makikitang tila walang kasama ang tao sa litrato. Kakaibang misteryo ito dahil dapat, puno ng karwahe at mga taong naglalakad ang kalsadang iyon sa Paris, lalo at kalagitnaan iyon ng hapon.
Ang totoo, hindi nag-iisa ang taong iyon. May ibang mga tao at maging mga kabayo sa abalang Boulevard du Temple, ang tanyag na lugar kung saan kinuha ang litrato. Hindi lang sila nakuhanan. Para kasi makuha sa litrato, kailangang hindi sila gumalaw sa loob ng pitong minuto. Iisang tao lang ang nanatiling nakatigil nang ganoon katagal, nililinis kasi ang kanyang sapatos.
Gayundin naman, may mga pagkakataong sa pagiging payapa, nagagawa natin ang hindi kayang magawa ng ating pagsisikap. Sinabi ng Dios sa bansang Israel sa Salmo 46:10, “Tumigil kayo at kilalanin ninyo na Ako ang Dios.” Kahit pa magkagulo ang mga bansa (ᴛᴀʟ. 6) at yumanig ang lupa (ᴛᴀʟ. 2), matutuklasan ng mga tahimik na nagtitiwala sa Dios na “Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo sa oras ng kagipitan” (ᴛᴀʟ. 1).
Ang salitang Hebreo na isinalin bilang “maging payapa” ay maaari ring isalin na “itigil ang pagsusumikap.” Kapag nagpahinga tayo sa Dios sa halip na umasa sa ating sariling kakayahan, matutuklasan nating Siya ang ating matibay na “kanlungan at kalakasan” (ᴛᴀʟ. 1).