Mas dumami ang mga taong malungkot ang buhay. Sa Amerika, dumoble ang bilang ng mga walang kaibigan simula noong 1990. Sa ilang bansa naman sa Europa, umaabot hanggang 20% ng populasyon ang nakararamdam ng kalungkutan. Habang sa Japan naman, may mga matatandang sadyang lumalabag sa batas para makulong at magkaroon ng kasama.

Tuloy, naisip ng ilang negosyante ang isang solusyon: magpaarkila ng kaibigan. Puwede silang arkilahin para makipag- usap o sumama sa isang party. Sabi ng isa, “Malulungkot na mga propesyunal, edad 30 hanggang 40, at nagtatrabaho nang mahabang oras ang madalas umarkila sa akin.”

Inilarawan naman sa Mangangaral 4 ang isang taong nag- iisa: “wala siyang anak at wala ring kapatid... wala siyang tigil sa pagtatrabaho,” ngunit hindi siya kuntento sa kanyang tagumpay (ᴛᴀʟ. 8). Tanong niya, “Para kanino ako nagpapagod?” (ᴛᴀʟ. 8 ᴀʙᴀʙ). Napagtanto niyang mas mabuting maglaan ng lakas at oras kasama ang iba. Bukod sa mapapagaan ang kanyang kabigatan, may tutulong rin sa kanya (ᴛᴀʟ. 9–12). Sa huli, “walang kabuluhan” ang anumang tagumpay kung wala kang kaibigan (ᴛᴀʟ. 8).

Sinasabi ng Mangangaral na hindi madaling mapatid ang lubid na may tatlong hibla (ᴛᴀʟ. 12), ngunit hindi rin ito madaling tahiin. Dahil ang totoo, hindi maaaring mag-renta ng tunay na kaibigan. Maglaan tayo ng oras upang bumuo ng pagkakaibigan. Isama rin natin ang Dios bilang ikatlong hibla upang mas tumatag ang ating samahan.