Habang naghihintay na makapasok sa unibersidad, nagpasya ang dalawampung taong gulang na si Shin Yi na ilaan ang tatlong buwan ng kanyang bakasyon sa isang youth mission organization na layuning umabot sa mga kabataan. Kakaibang panahon para gawin iyon, lalo na’t may mga paghihigpit noon dahil sa COVID-19. Pero nakahanap si Shin Yi ng paraan. Patuloy siyang nakipag-ugnayan sa mga estudyante sa pamamagitan ng Zoom (kung saan maaaring mag-video call) para manalangin para sa isa’t isa.
Magandang halimbawa ang ginawang pagpapahayag ni Shin Yi ng Magandang Balita. Ito mismo ang iniutos ni Apostol Pablo kay Timoteo: “Gawin mo ang tungkulin mo bilang tagapangaral ng Magandang Balita” (2 ᴛɪᴍᴏᴛᴇᴏ 4:5). Nagbabala si Pablo na maraming tao ang hahanap ng mga gurong magsasabi ng mga bagay na gusto nilang marinig, hindi ng mga kailangan nilang marinig (ᴛᴀʟ. 3–4). Gayunpaman, tinawag si Timoteo upang manghikayat at “maging handa... sa anumang panahon.” Dapat niyang “pagsabihan ang mga tao sa mga mali nilang gawain, at patatagin ang pananampalataya nila” (ᴛᴀʟ. 2).
Bagama’t hindi tinawag ang lahat sa atin upang maging mga tagapangaral, maaari naman nating gampanan ang pagpapahayag ng ating pananampalataya sa iba. Marami pang mga hindi nagtitiwala kay Cristo ang naliligaw At may mga mananampalataya ring nangangailangan ng lakas ng loob. Sa tulong ng Dios, ipahayag natin ang Magandang Balita sa bawat pagkakataon.