Isa sa pinakamalalim na kuwebang hindi pa nasasaliksik ng tao ang Krubera-Voronja. Matatagpuan ito sa bansang Georgia sa Europe. Isang grupo ng mga mananaliksik ang sumisid sa madilim at nakakatakot na kalaliman ng kuwebang ito. Bukod sa Krubera-Voronja, patuloy ring natutuklasan ang mas marami pang mga kuweba, at higit ang lalim ng mga ito.
Habang patuloy ang ating pagtuklas sa mga nilikha ng Dios, nagdaragdagan ang ating pang-unawa at pagkamangha sa hindi matutumbasang pagkamalikhain ng Dios (ɢᴇɴᴇꜱɪꜱ 1:26–28). Inaanyayahan tayo ng salmista na “magsiawit tayo nang may kagalakan” at “sumigaw tayo sa pagpupuri” sa Dios dahil sa Kanyang kadakilaan (ᴛᴀʟ. 1). Pagmasdan natin ang kamangha- manghang mga gawa ng Dios. Lahat ng ito—natuklasan man o hindi pa—ay dahilan upang “lumuhod tayo at sumamba” sa Kanya (ᴛᴀʟ. 6).
Bukod sa malalawak na lugar na nilikha Niya, nalalaman din ng Dios ang malalalim na sulok ng ating mga puso. At katulad ng mga kuweba sa Georgia, daraan tayo sa madidilim at maaaring nakakatakot na mga yugto sa buhay. Gayon pa man, alam nating hawak ng Dios maging ang mga panahong iyon sa Kanyang makapangyarihan ngunit mahabaging kamay. Sapagkat sa mga salita ng salmista, tayo ang Kanyang bayan, ang “mga tupa sa Kanyang kawan na Kanyang binabantayan at inaalagaan” (ᴛᴀʟ. 7).