Ang pagtitipid ni Tiya Margaret ay isang alamat. Pagkatapos niyang pumanaw, malungkot na isinaayos ng kanyang mga pamangkin ang kanyang mga gamit. Maayos na nakasalansan sa loob ng isang maliit na plastik na bag ang iba’t ibang piraso ng tali. May nakasulat doon: “Mga taling sobrang ikli para magamit.”

Ano kaya ang nagtulak sa isang tao na itago at ayusin ang isang bagay na alam niyang wala nang pakinabang? Marahil minsan siyang nakaranas ng matinding kakulangan.

Nang tumakas ang mga Israelita mula sa pagkaalipin sa Egipto, iniwan nila ang isang mahirap na buhay. Ngunit hindi nagtagal, nakalimutan nila ang pagtulong ng kamay ng Dios sa kanilang pag-alis. Nagsimula silang magreklamo tungkol sa kakulangan ng pagkain.

Gusto ng Dios na magtiwala sila sa Kanya. Nagbigay Siya ng tinapay para sa kanilang pagkain sa disyerto. Sinabi ng Dios kay Moises, “Bawat araw, mangunguha ang mga Israelita ng pagkain nila para sa araw na iyon” (ᴇXᴏᴅᴜꜱ 16:4). Inutusan din sila ng Dios na kumuha ng doble sa ikaanim na araw (ᴛᴀʟ. 5, 25). Sumunod ang iba. Ang iba naman ay hindi; lumabas pa rin sila para manguha, pero wala silang napala (ᴛᴀʟ. 27–28).

Sa mga panahon ng kasaganaan, nakakatuksong mag- imbak hangga’t gusto natin. Sa panahon naman ng kagipitan, nakakatuksong kumapit sa patalim para makontrol pa rin natin ang sitwasyon. Walang dahilan upang mag-imbak nang mag- imbak. Magtiwala tayo sa Dios na nangakong, “Hinding-hindi ko kayo iiwan o pababayaan man” (ʜᴇʙʀᴇᴏ 13:5).