Balisa ang batang lider sa isang paaralan. Nang tanungin ko kung nananalangin ba siya para sa gabay at pagtulong ng Dios, at kung ginagawa niya ang payo ni Apostol Pablo na manalangin nang walang patid, nag-alinlangan siya. Sa kanyang sagot, inamin ng binata, “Hindi ako sigurado kung naniniwala pa ako sa panalangin. O kung nakikinig man lang ang Dios. Tingnan mo lang ang mundo.” Nagtatayo ng ministeryo ang batang lider na iyon sa sarili niyang lakas at, nakalulungkot, nabibigo siya. Bakit? Dahil tumalikod siya sa Dios.
Marami ang tumanggi kay Jesus, ang batong pundasyon ng simbahan (ᴊᴜᴀɴ 1:11). Hanggang ngayon, marami pa ring tumatanggi sa Kanya. Sinisikap nilang itayo ang kanilang buhay, plano, at pangarap sa mga pundasyong hindi matibay. Ngunit tanging ang ating Tagapagligtas lamang ang ating lakas at tanggulan (ꜱᴀʟᴍᴏ 118:14). Tunay nga, “Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ay siyang naging batong pundasyon” (ᴛᴀʟ. 22).
Kapag inilagay natin Siya sa pinakatampok na bahagi ng ating buhay, nabibigyan tayo ng tamang direksyon para sa anumang nais Niyang ipagawa sa atin. Kaya sa Kanya tayo nananalangin, “Panginoon, patuloy nʼyo kaming iligtas. Pagtagumpayin nʼyo kami sa lahat ng aming ginagawa” (ᴛᴀʟ. 25). At ang resulta? “Pinagpala ang dumarating sa ngalan ng Panginoon” (ᴛᴀʟ. 26). Magpasalamat tayo sa Kanya dahil matatag Siya at mabuti.