Idineklara ng isang pahayagang pinatay ni Pep ang pusang pagmamay-ari ng asawa ng gobernador. Pero hindi siya ang gumawa nito. Dahil ang tanging ginawa niya ay ngatngatin ang sofa sa mansyon ng gobernador.

Isang masiglang aso si Pep. Pag-aari siya ng gobernador ng Pennsylvania sa Amerika na si Gifford Pinchot noong 1920. Ipinadala si Pep sa kulungan. Kinuhaan pa siya ng litrato tulad ng isang kriminal. Nang marinig ng isang mamamahayag ang tungkol dito, gumawa siya ng kuwentong pinatay ni Pep ang pusa. Dahil lumabas ang kanyang ulat sa pahayagan, marami ang naniwalang si Pep talaga ang pumatay sa pusa.

Alam na alam naman ni Haring Solomon ang kapangyarihan ng maling impormasyon. Sinabi ni Solomon, “Ang tsismis ay gaya ng pagkaing masarap nguyain at lunukin” (ᴋᴀᴡɪᴋᴀᴀɴ 18:8). Minsan, dahil sa likas nating pagiging makasalanan, pinipili nating paniwalaan ang mga bagay na hindi naman totoo.

Pero kahit na naniniwala ang iba sa mga kasinungalingan tungkol sa atin, maaari pa rin tayong gamitin ng Dios para sa kabutihan. Sa katunayan, ipinadala ng gobernador si Pep sa bilangguan upang maging kaibigan ng mga preso at magsilbing therapy dog sa loob ng maraming taon.

Maganda ang mga layunin ng Dios para sa ating buhay. Nais Niyang manatili tayo sa Kanya anuman ang sabihin o isipin ng iba. Kapag may nag-tsismis tungkol sa atin, tandaan nating ang Kanyang opinyon at pagmamahal sa atin ang higit na mahalaga.