Naikuwento sa akin ang hindi pagkakaunawaang sumisira sa isang samahan ng mga nagtitiwala kay Jesus. Ang pinagtata- lunan nila? Kung patag ba o hindi ang mundo. Naibalita naman ang isang nagtitiwala kay Jesus na armadong sumugod sa isang kainan. Ililigtas raw niya ang mga batang inaabuso sa isang lihim na silid. Pero walang ganoong silid. Bunga ang mga iyan ng mga nababasa nila sa internet na mga conspiracy theory (mga walang batayang pakiwari na may mga nagaganap na pagsasabwatan).
Hinirang ang mga nagtitiwala kay Jesus para maging mabu- buting mamamayan (ROMA 13:1-7), hindi tagakalat ng maling impormasyon. Sa panahon ni Lucas, may mga kumakalat na maling kuwento tungkol kay Jesus (LUCAS 1:1). Sa halip na ibahagi ang lahat ng narinig, nagsaliksik muna si Lucas. Kinausap niya ang mga saksi at maingat na sinuri “ang lahat ng pangyayari buhat pa sa pasimula” (TAL. 2-3 ᴍʙʙ). Sinulat niya ang mga natuklasan niya—ang mga pangalan, mga sinabi, at mga pangyayari. Batay lahat sa mga nakasaksi, hindi sa mga sabi-sabi.
Tulad ni Lucas, maging mapanuri tayo. Maaaring makasira ng relasyon at buhay ang maling impormasyon. Pagmamahal sa kapwa ang pagsuri ng katotohanan (10:27). Makinig tayo sa mga eksperto at kwalipikado, hindi sa mga nagkakalat ng mali. Patotoo rin natin ito. Dahil tandaan natin, “puspos ng...katotohanan” ang ating Dios” (JUAN 1:14).