Ginamit ng mga mananaliksik mula sa Emory University ang mga MRI scans para makita ang larawan ng utak ng mga lola. Sinuri nila ang tugon ng mga ito sa mga larawan ng kanilang apo, ng kanilang sariling anak, at isang batang hindi nila kilala. Ang resulta: mas dama ng mga lola ang emosyon ng apo nila kaysa sa sarili nilang anak. Dahil daw ito sa cute factor–mas kaibig-ibig ang mga batang apo kaysa sa anak. Sabi ng gumawa ng pananaliksik na si James Rilling: “Kapag nakangiti ang apo, nararamdaman niya ang galak nito. At kapag umiiyak naman, dama ni lola ang sakit at pagkabahala ng apo.”
Parang ganito rin inilarawan ng isang propeta sa Lumang Tipan ang damdamin ng Dios habang nakatingin Siya sa mga hinirang Niya: “Magagalak siya sa inyo, at...aawit siya nang may kagalakan dahil sa inyo” (ZEFANIAS 3:17). Tulad ng lolang dama ang nararamdaman ng apo niya, dama ng Dios ang mga kirot na nararamdaman natin: “Sa lahat ng kanilang pagdadalamhati, nagdalamhati rin siya” (ISAIAS 63:9). Ramdam din Niya ang kagalakan natin: “Si ʏᴀʜᴡᴇʜ ay nagagalak sa kanyang mga hirang” (SALMO 149:4 MBB).
Kapag napapanghinaan tayo ng loob, mabuting alalahanin na tunay ang damdamin ng Dios para sa atin. Hindi Siya manhid o malamig makitungo. Mahal Niya tayo at nagagalak Siya sa atin. Panahon na para mas lalong lumapit sa Kanya, damhin ang kagalakan Niya,atpakingganangpag-awitNiya.