Ugali ni Madeleine L’Engle, isang manunulat, na tawagan ang nanay niya linggo-linggo. Nang mas tumanda na ang ina, dinalasan pa niya ito para lang makipag-ugnayan. Ganoon din, nais ni Madeleine kapag tinatawagan siya ng mga anak niya para panatilihing masigla ang ugnayan nila. Minsan mahaba ang usapan nila na puno ng mahahalagang tanong at sagot. Minsan naman, sapat nang masigurong gumagana pa ang numero ng telepono. Tulad ng sinulat niya sa aklat niyang Walking on Water, “Mainam na nakikipag-ugnayan ang mga anak. Mainam para sa ating lahat na anak na makipag-ugnayan sa Ama natin.”
Alam ng karamihan sa atin ang panalangin sa Mateo 6:9-13. Pero mahalaga rin ang mga talata bago iyan, dahil hinahanda tayo ng mga ito sa dasal na iyon. Hindi dapat palabas lang o “para makita ng mga tao” (TAL. 5) ang panalangin. Wala namang limitasyon kung gaano kahaba dapat ang panalangin, pero hindi mahaba at “maraming salita” ang batayan ng husay ng panalangin (TAL. 7). Ang punto ng pananalangin? Makipag-ugnayan sa ating Ama na “alam na...kung ano kailangan [natin] bago pa man [natin] ito hingin sa kanya” (TAL. 8). Binibigyang diin ni Jesus na mabuti para sa atin ang makipag-ugnayan sa Ama. Saka Niya sinabi, “Ganito kayo manalangin” (TAL. 9).
Mabuti at mahalaga ang pananalangin dahil pinapanatili nito ang pakikipag-ugnayan natin sa Dios at Ama nating lahat.