Naroon sa tatlong mahahalagang kaganapan sa kasaysayan si Robert Todd Lincoln. Nasaksihan niya ang pagpatay sa tatay niyang si Abraham Lincoln, pati na rin sa iba pang mga presidente ng Amerika na sina James Garfield at William McKinley.
Pero mas marami ang kay Apostol Juan. Apat na pinakama- hahalagang pangyayari sa kasaysayan ang nasaksihan niya: huling hapunan ni Jesus, paghihirap ni Jesus sa Getsemane, pagkapako kay Jesus sa Krus, at muli Niyang pagkabuhay. Alam ni Juan na ang pagsaksi sa mga pangyayaring ito ang dahilan kung bakit siya naroon. Sinulat niya sa Juan 21:24, “Ako ang tagasunod na nagpapatotoo sa mga bagay na ito, at siya ring sumulat nito. Alam ng iba na totoo ang sinasabi ko.”
Pinagtibay muli ito ni Apostol Juan sa liham niyang 1 Juan. “Ipinapahayag namin sa inyo ang tungkol sa kanya na mula pa sa simula ay nariyan na. Narinig namin siya, nakitaʼt napagmasdan ng sarili naming mga mata, at nahawakan pa namin siya” (1:1). Pakiramdam ni Juan na tungkulin niyang isalaysay ang nasaksihan niya kay Jesus. Bakit? “Ipinapahayag namin sa inyo ang nakita at narinig namin upang maging kaisa namin kayo sa Ama at sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo” (TAL. 3).
Pangkaraniwan man o hindi ang mga pangyayari sa buhay natin, ginagamit ng Dios ang mga iyan para maging saksi Niya tayo. Sa biyaya at karunungan ni Cristo, nawa maipahayag natin Siya kahit sa mga hindi inaasahang pangyayari sa buhay.