Makakapasok kaya ako sa Olympics? Iyan ang pangamba ng isang manlalangoy dahil mabagal siyang lumangoy. Pero inaral ni Ken Ono, isang guro sa matematika, ang pamamaraan niya sa paglangoy. Nakita ng guro na puwedeng bumilis ang manlalangoy ng anim na segundo—na malaking bagay sa ganoong paligsahan. Kinabitan ni Ono ng pansuri ang likod nito at tinukoy ang ilang maliliit na bagay na puwedeng gawin para maging mas mabilis siya.

Sa larangang espirituwal, malaki rin ang dulot ng maliliit na pagbabago. Ganyan nga ang turo ni Propeta Zacarias, kay Zerubabel at sa mga Israelitang nanghihina ang loob. Nahihirapan kasi silang muling itayo ang templo matapos ang pagpapatapon at pagbihag sa kanila. Sinabi ng Dios kay Zerubabel, “hindi sa pamamagitan ng lakas o kakayahan ng tao kundi sa pamamagitan ng aking Espiritu” (ZACARIAS 4:6).

Sabi nga ni Propeta Zacarias, “Sinong humamak sa araw ng maliliit na bagay?” (TAL. 10 ᴀʙᴀʙ). Pangamba ng mga Israelita na hindi magiging kapares ang templo nila sa itinayo noong panahon ni Haring Solomon. Pero gaya ng manlalangoy ni Ono na nanalo ng medalya sa Olympics matapos ang mga maliliit na pagbabago, natutunan nina Zerubabel na sa tulong ng Dios, nakakapagbigay pa rin ng tagumpay ang maliliit na pagsisikap kapag ikinalulugod ito ng Dios. Sa tulong ng Dios, nagiging malaking bagay kahit ang maliliit na pagbabago.