Minsan, binisita ko ang aking anak na nakakulong. Nananalangin ako habang naghihintay. Makalipas ang ilang oras, pinayagan na ako ng guwardiya na makita ang aking anak. Nakaramdam ako ng matinding lungkot nang makita ko siya. Pero dahil alam kong kasama niya ang Dios at hindi siya pababayaan, napanatag ang aking loob kahit na matagal pa kaming hindi magkakasama.

Nalalaman din naman ni Haring David na palagi niyang kasama ang Dios. Sa Salmo 139, sinabi ni David tungkol sa Dios “ᴘᴀɴɢɪɴᴏᴏɴ, siniyasat Nʼyo ako at kilalang-kilala...; nalalaman N’yo ang lahat ng aking iniisip” (TAL. 1-3). Ipinagpasalamat din ni David ang pagmamalasakit at pagkalinga sa kanya ng Dios (TAL. 5). Dahil damang-dama ni David ang pagkilos ng Dios sa kanyang buhay, naitanong niya sa Dios ang mga bagay na ito: “Paano ba ako makakaiwas sa Inyong Espiritu? Saan ba ako makakapunta na wala Kayo?” (TAL. 7).

Kapag may pinagdadaanan naman tayong mahirap na sitwasyon, maaaring pakiramdam natin ay wala tayong kasama. May mga pagkakataong maiisip nating malayo tayo sa Dios at wala nang pag-asang mailigtas pa. Pero ang totoo, laging nariyan ang Dios at kasama natin. Lagi Siyang handang tumulong at kumalinga sa atin.