Noong taong 155 ad, pinagbantaan ang lider na si Polycarp na susunugin siya dahil nagtitiwala siya kay Jesus. Pero ito ang naging sagot niya, “Walumpu’t anim na taon kong pinaglingkuran si Jesus at kahit kailan ay wala Siyang ginawang masama sa akin. Bakit hindi ako magiging tapat sa aking Hari na nagligtas sa akin?” Nawa’y magpalakas ng ating loob ang naging sagot na iyon ni Polycarp sa tuwing humaharap tayo sa mahihirap na pagsubok dahil sa ating pananampalataya kay Jesus.
Nagpahayag naman si Apostol Pedro ng kanyang buong katapatan kay Jesus. Sinabi ni Pedro, “Handa naman akong mamatay para sa Inyo” (JUAN 13:37). Lubos na nakikilala ni Jesus si Pedro kaya sinabi Niya, “Sinasabi Ko sa iyo ang totoo, bago tumilaok ang manok, tatlong beses mong ikakaila na kilala mo Ako” (TAL. 38). Nang muling mabuhay si Jesus, naging matapang Niyang lingkod si Pedro kahit na ikinaila siya nito. Binigyang parangal ni Pedro ang Panginoon sa uri ng kamatayang dinanas niya (BASAHIN ANG 21:16-19).
Katulad ba natin si Polycarp o si Pedro? Ang totoo, mas madalas katulad natin si Pedro na natatakot manindigan para kay Jesus. Minsan, nahihiya tayong ipakilala si Jesus sa iba. Kaya naman hindi tayo nakakapamuhay bilang isang tunay na nagtitiwala kay Jesus. Sa tuwing nagagawa natin ang mga ito, magpakumbaba tayong manalangin at lumapit kay Jesus. Tutulungan Niya tayong maging matapang at matapat na mamuhay para sa Kanya bawat araw.