Nagpanggap bilang isang empleyado ng sarili niyang kompanya ang isang babae. Nagsuot siya ng uniporme at iniba ang kanyang itsura para magmukhang bagong empleyado sa tindahan. Layunin niyang malaman kung ano ang mga tunay na nangyayari sa loob. Dahil dito, nalaman niya ang mga suliranin ng kanilang kompanya. Nabigyang lutas ang mga ito dahil sa ginawa niya.

Tulad ng may-ari ng kompanya, nagpakita rin si Jesus ng kababaang-loob (FILIPOS 2:7). Siya ay Dios na nagkatawang tao. Namatay Siya sa krus para sa ating mga kasalanan (TAL. 8). Nagpakita si Cristo ng kababaang-loob sa dakilang ginawa Niyang ito. Namuhay Siya sa mundo kasama natin para maranasan Niya ang lahat ng pinagdadaanan natin.

Tayo rin namang mga nagtitiwala kay Jesus ay inaanyayahan Niyang magkaroon ng kababaang-loob (TAL. 3). Nais ng Dios na palagi natin itong ipamuhay para matulungan ang ating kapwa (TAL. 5). Mas nagkakaroon tayo ng pagmamahal at pang- unawa sa ibang mga tao kung palagi tayong magpapakumbaba.