Month: Agosto 2025

HINDI ALAM ANG DAAN

Siguro hindi ako dapat pumayag na samahang tumakbo si Brian. Nasa ibang bansa ako, at hindi ko alam kung saan o gaano kalayo ang pupuntahan namin. Hindi ko rin alam

kung anong klase ang daan. At isa pa, mabilis tumakbo si Brian. Matatapilok ba ako kung pipilitin ko siyang sabayan? Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi magtiwala sa…

KALAYAAN SA LANDAS

Sa larong beep baseball (na para sa mga manlalarong may kapansanan sa mata), pinakikinggan ng mga bulag na manlalaro ang tunog ng bola at base para malaman kung ano ang dapat gawin at saan dapat pumunta. Nasa parehong koponan ang nakapiring na papalo ng bola (may iba’t-ibang uri kasi ng pagkabulag) at ang nakakakitang tagahagis ng bola. ‘Pag natamaan ang tumutunog…

KAPAG NAPAGOD KA

Nakaupo ako kaharap ang kompyuter. Ninanamnam ko ang katahimikan sa pagtatapos ng isang araw ng trabaho. Masaya dapat ako sa natapos ko sa araw na iyon, pero hindi. Pagod ako. Masakit ang balikat ko sa bigat ng pagkabalisa dahil sa problema sa trabaho, at abala ang utak ko sa kakaisip tungkol sa isang problemadong ugnayan. Gusto kong takasan lahat—kaya naisip…

NAWALA NA ANG LAHAT

Ang saklap ng tiyempo. Matapos makaipon ng kaunting yaman mula sa paggawa ng mga tulay, monumento, at malalaking gusali, naisip ni Cesar na magsimula ng bagong negosyo. Kaya ibinenta niya ang unang negosyo. Inihulog muna niya sa bangko ang pera na sana’y gagamiting pangpuhunan. Pero ‘di nagtagal, sinamsam ng gobyerno nila ang lahat ng ari-ariang nasa pribadong bangko. Ang ipon…

PAGHARAP SA KABIGUAN

Nag-ipon buong taon ang mga mag-aaral sa ikahuling baitang ng isang hayskul sa Oklahoma sa Amerika para sa isang “hindi malilimutang pamamasyal.” Kaya lang, nalaman nila pagdating sa paliparan na marami pala sa kanila ang nakabili ng tiket mula sa isang pekeng kumpanya. “Nakakadurog ng puso,” sabi ng isang pinuno ng paaralan. Pero kahit kinailangan nilang magbago ng plano, pinili…