Alam ng aso naming si Winston na hindi niya dapat kagatin ang mga bagay. Pero nakaisip siya ng isang paraan. Kapag nakagat na niya ang isang sapatos, dahan-dahan siyang maglalakad papalayo. Akala niya, hindi namin mapapansin ang ginawa niya.
Tulad ni Winston, minsan akala nating hindi mapapansin ng Dios ang mga pagkakamali natin. Naiisip natin na tila kaya nating takasan ang Dios mula sa mga kasalanan natin. Pero ang totoo, alam ng Dios ang lahat ng bagay. At alam din nating hindi kalugod- lugod sa Dios ang mga pagkakamali natin.
Sinubukan din nila Adan at Eba na takasan ang Dios dahil sa pagkakasalang ginawa nila (GENESIS 3:10). Pero iba ang nais ng Dios na gawin natin. Nais Niyang agad tayong lumapit sa Kanya at aminin ang mga kasalanan natin. Nararapat na lumapit tayo nang may kababaang loob sa harapan Niya. Sinasabi sa Kawikaan 28:13 na “Hindi ka uunlad kung hindi mo ipapahayag ang iyong mga kasalanan, ngunit kung ipapahayag mo ito at tatalikdan, kakahabagan ka ng Dios.”
Hindi nararapat na takasan natin ang ating mga pagkakasala. Nararapat na harapin natin ito, mapagkumbabang umamin, at lumapit sa Dios. Ayaw ng Dios na manatili tayo sa ating mga kasalanan (1 JUAN 1:9).