Huminto muna kami para kumuha ng litrato. Sakto kasi ang tama ng sikat ng araw sa Lake Michigan, kaya nakamamangha ang ganda nito. Pero dahil sa posisyon ng araw, hindi ko maaninag ang imahe sa screen ng cellphone ko. Kumuha pa rin ako ng litrato. Tiwala akong maganda ang kakalabasan nito dahil nagawa ko na ito dati. Sabi ko sa kasama ko, “Hindi natin kita ngayon, pero laging maganda ang resulta ng ganitong litrato.”
Madalas katulad niyan ang pamumuhay nang may pana- nampalataya. Hindi natin nakikita ang bawat detalye sa screen, pero hindi ibig sabihin na wala doon ang magandang larawan. Kahit hindi natin laging nakikita ang ginagawa ng Dios, makakaasa tayong nariyan Siya. “Ang pananampalataya ay ang katiyakan na matatanggap natin ang mga bagay na inaasahan natin” (HEBREO 11:1). Sa pamamagitan ng pananampalataya, inilalagak natin sa Dios ang tiwala natin, lalo na sa mga panahong hindi natin nakikita o naiintindihan kung ano ang ginagawa Niya.
Dahil sa pagtitiwala sa Dios, hindi tayo napipigilang “kumuha ng litrato” kahit hindi natin ito nakikita. Marahil nga, matutulungan pa tayo nito upang mas lalong manalangin at humiling ng gabay mula sa Dios. Puwede rin tayong matuto sa karanasan ng ibang nagtiwala sa Dios (TAL. 4-12). O maging sa mga ginawa na Niya sa buhay natin. Kaya muling gawin ng Dios ang mga nagawa na Niya sa nakaraan.
