PAGKATUTO SA PEKLAT
Hinaplos ni Faye ang mga peklat sa kanyang tiyan matapos ang operasyon upang alisin ang kanser. Tinanggal ng mga doktor ang bahagi ng kanyang tiyan at nag-iwan ito ng malaking peklat. Sinabi niya sa kanyang asawa, “Maaaring maging tanda ng sakit na kanser o tanda ng paggaling ang mga peklat. Pinipili kong gawing simbolo ng paggaling ang aking mga peklat.”…
MALAPIT ANG DIOS
Mahigit tatlumpung taon nang nagtuturo si Lourdes ng pagkanta sa Maynila. Pero nang hilingan siyang magsagawa ng mga voice lessons niya online, nabahala siya. “Hindi ako magaling sa mga computer,” ikinuwento niya. “Luma na ang laptop ko, at hindi ako pamilyar sa mga platform ng video conferencing.”
Bagama’t maaaring tila maliit na bagay ito para sa iba, talagang nagdulot ito sa kanya ng…
SAPAT NA KARUNUNGAN
Kinailangang pumunta nina David at Angie sa ibang bansa upang simulan ang bagong ministeryo ng Panginoon. Kaya lang, magiging mag-isa tuwing Pasko ang mga magulang ni David, na matatanda na. Sinubukan nilang magpadala ng mga regalo at tumawag tuwing Pasko upang maibsan ang kalungkutan ng kanyang mga magulang. Pero sila ang talagang nais ng kanyang mga magulang. Dahil sa maliit…
KAPULUNGAN NI CRISTO
Sa katimugang bahagi ng Bahamas, may isang maliit na lugar na tinatawag na Ragged Island. Noong ika-19 na siglo, aktibo ang industriya ng asin dito, ngunit dahil sa pagbagsak ng industriya, maraming tao ang lumipat sa mga kalapit na isla. Noong 2016, wala pang walumpung tao ang mga naninirahan dito. May tatlong denominasyon ng relihiyon sa isla, pero sama-sama sila…
PANTAY-PANTAY LANG
Habang nagbabakasyon, kinaaliwan namin ng aking asawa ang pagbibisikleta. Minsan, napunta kami sa isang lugar kung saan nagkakahalaga ng milyon ang mga bahay. Doon, nakita namin ang iba’t ibang tao—mga residenteng naglalakad kasama ang kanilang mga aso, mga kapwa nagbibisikleta, at maraming mga manggagawang nagtatrabaho roon. Iba’t ibang mga tao mula sa lahat ng antas ng buhay ang nasa iisang…
PUMAYAPA
Pagod na ako sa patuloy na pagtingin sa cellphone ko. Kaya ibinaba ko ito. Pero kinuha ko ulit ito at binuksan. Bakit? Sa kanyang aklat na The Shallows, inilarawan ni Nicholas Carr kung paano hinuhubog ng internet ang ating relasyon sa katahimikan: “Tila unti-unting binabawasan ng internet ang aking kakayahan para sa konsentrasyon at pagninilay. Online man ako o hindi, gumagana ang isip ko kung…

MAPAGTAGUMPAYAN
Lumaki si Anne sa hirap at sakit. Sa edad na lima, isang sakit sa mata ang nagdulot sa kanya ng bahagyang pagkabulag. Kaya hindi siya natutong magbasa o magsulat. Nang walong taong gulang siya, namatay ang kanyang ina sa sakit na tuberculosis. Di nagtagal, iniwan silang magkakapatid ng abusado nilang ama. Ipinadala ang bunso sa mga kamag-anak. Pero si Anne…

SUMANDAL SA DIOS
Habang nasa isang water park kasama ang ilang kaibigan, sinubukan naming maglaro sa mga rampa at tulay na gawa sa inflatable balloons na nakalutang sa tubig. Halos imposibleng maglakad nang tuwid. Napapasigaw kami kapag nahuhulog kami sa tubig. Sobrang nakakapagod ang aming ginawa. Kaya naman sumandal sa isang poste na gawa sa lobo ang kaibigan ko para makapagpahinga. Kaya lang natumba ito…