Noong Marso 1945, habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagawang linlangin ng tinatawag na “Ghost Army” ng Estados Unidos ang mga kalaban nila. Nagawa nilang palabasin na 30,000 sundalo sila, gayong 1,100 lamang sila. Gamit ang mga pekeng tangke at armas, at ng tunog ng maraming sasakyan mula sa mga speaker, natalo nila ang kanilang kalaban.
Mababasa naman natin sa Hukom 7:8-22 na ginamit ng Dios si Gideon para pangunahan ang mahinang hukbo ng Israel laban sa mga Midianita at mga kakampi nito. Nagawa nila Gideon na matakot sa kanila ang mga kaaway nila “na parang kasindami ng balang” (TAL. 12) gayong maliit na hukbo lamang sila. Gumamit din sila ng mga tunog gaya ng trumpeta, binasag na mga palayok, boses ng mga tao, at iba pang bagay para linlangin ang kalaban nila. Natalo nila ang kalaban kahit na binawasan ni Gideon ang kanyang 32,000 mga sundalo hanggang sa naging 300 na lang ang mga ito bilang pagsunod sa Dios (TAL. 2-8). Malinaw kung sino ang nanalo sa labanan. Sinabi ng Dios kay Gideon, “ipapatalo ko sila sa inyo” (TAL. 9).
Kapag nanghihina tayo at mababa ang tingin sa sarili, lumapit tayo sa Dios at manangan sa Kanyang lakas. Dahil nakikita ang kapangyarihan Niya sa ating kahinaan (2 CORINTO 12:9).
