Month: Pebrero 2026

“PERO KULANG PA”

“Nasaan ang pananampalataya ko? Puro kawalan at kadiliman sa kaibuturan ko... Kung may Dios man, patawarin Mo po ako.”

Magugulat ka marahil kung sasabihin kong si Mother Teresa ang nagsulat ng mga salitang iyon. Kilala si Mother Teresa sa kanyang walang sawang paglilingkod sa mga mahihirap sa Calcutta sa bansang India. Lihim pala siyang nakipagbuno sa kanyang pananampalataya ng higit…

TULONG!

Ilang araw nang ngumingiyaw ang maysakit na pusang nasa isang kahon malapit sa pinagtatrabahuhan ko. Walang pumapansin sa pusang itong iniwanan sa kalye. Hanggang isang araw, dumaan si Jun, isang tagawalis ng kalye. Iniuwi ni Jun ang pusa sa kanila. May alaga rin siyang dalawang asong dating gala.

“Inaalagaan ko sila dahil walang pumapansin sa kanila,” sabi ni Jun. “Nakikita…

MAPAYAPANG TULOG

Ginugulo ang isip ni Sal ng masasamang alaala at mga boses ng nakaraan. Hindi siya makatulog. Puno siya ng takot at pinagpapawisan ang buong katawan. Gabi iyon bago siya bautismuhan (pampublikong pagpapahayag ng pagsunod kay Jesus). Tinanggap na ni Sal ang kaligtasang nagmumula sa Panginoong Jesus, at alam niyang pinatawad na ang kanyang mga kasalanan. Ngunit patuloy pa rin ang…

HINDI SUWERTE

Ayon sa Discover magazine, halos 700 quintillion (7 na sinusundan ng 20 na sero) ang mga planeta sa sansinukob. Ngunit bukod-tangi ang Earth. Ayon sa astrophysicist (eksperto sa pag-aaral ng sansinukob) na si Erik Zackrisson, upang magkaroon ng buhay sa isang planeta, kailangang nasa “Goldilocks” zone ito. Ito ang bahagi ng sansinukob kung saan tama lang ang temperatura, at may tubig. Sa 700…

SAMA-SAMA KAYSA MAG-ISA

Maraming taon ang ginugol ni Soren Solkaer sa pagkuha ng mga larawan ng mga ibong starlings at ang makapigil-hininga nilang paglipad nang sama-sama. Kamangha- mangha silang panoorin. Tila nakaupo ka sa ilalim ng isang along dumadaluyong sa hangin. Sa bansang Denmark, tinatawag ito bilang Black Sun (Itim na Araw), at ito rin ang pamagat ng libro ng mga larawang kuha ni Solkaer.…