Kapag Pagod Na
Minsan, nakakapagod din ang paggawa ng tama. Napapaisip tayo kung bakit mali ang interpretasyon ng iba sa mga sinasabi at ginagawa natin kahit naging maingat naman tayo at wala tayong intensyon na makasakit. Ganoon ang nangyari sa akin nang sulatan ko ang aking kaibigan. Sa kabila ng hangarin kong patatagin ang kanyang loob, nagalit siya sa akin.
Hindi ko na hinayaang…
Pag-ibig ng Dios
Madalas magkamali ang mga apo ko kapag nagbibihis sila. Nasusuot nila nang baligtad ang kanilang damit o sa maling paa nila naisusuot ang kanilang sapatos. Hindi ko sila pinagsasabihan kapag ginagawa nila iyon kundi natutuwa ako sa kanilang pagiging inosente.
Namamangha ako kung paano nila tingnan ang mga bagay sa mundo. Para sa kanila, ang bawat bagay ay isang bagong karanasan.…
Alam ni Jesus
May mga kaibigan akong gumaling na sa kanilang karamdaman pero nahihirapan pa rin sa naging epekto ng kanilang sakit. Ang iba ko namang kaibigan ay napagaling na sa isang adiksyon pero nakakaramdam pa rin ng panghihina at galit sa kanilang sarili. Naisip ko tuloy, Bakit kaya hindi sila lubusang pinapagaling ng Dios?
Mababasa natin sa Marcos 8:22-26 ng Biblia ang kuwento…
Kahit Na
Minsan, mahirap ang buhay. May panahon naman na may nangyayaring himala.
Tatlong lalaki na naging bihag ng Babilonia ang matapang at may paninindigang sinabi sa harap ng hari na hindi kailanman sila sasamba sa gintong dios-diosan. Sama-sama nilang inihayag na: “Ang Dios na aming pinaglilingkuran ang magliligtas sa amin sa naglalagablab na pugon... Kung hindi man Niya kami iligtas, hindi pa…
Tulad ng Isang Bata
Nakita ko ang isang bata habang masaya siyang sumasayaw sa tugtog ng papuri sa Dios. Siya lang ang nag-iisang bata sa hanay ng upuan na iyon pero hindi siya napigilang umindak sa saliw ng tugtugin. Pinagmamasdan siya ng kanyang nanay at natutuwa ito sa kanya.
Masaya ako nang makita ko siyang sumasayaw. Nais ko siyang samahan pero pinigilan ko ang aking…
Sumunod Ka Lang
Noong bata ako, lagi akong nasasabik dumalo sa pagtitipon ng mga nagtitiwala kay Jesus tuwing linggo ng gabi. Nasasabik kong marinig ang kuwento ng mga misyonero o mga tagapagsalita na galing pa sa ibang lugar. Nakakapukaw ng damdamin ang mga kuwento na kanilang naranasan. Nakakahamon din ang pag-iwan nila sa kanilang pamilya, kaibigan, ari-arian at trabaho para pumunta sa mga liblib…
Pambihirang Kaibigan
Madalas magpost sa Facebook ng mga video ang kaibigan ko. Mga pambihirang pagkakaibigan ng magkaibang hayop ang ipinopost niya. Mapapanood mo ang hindi mapaghiwalay na aso at baboy. At maging ang isang unggoy na inaalagaan ang isang batang tigre.
Nang mapanood ko ang mga iyon, naalala ko ang Hardin ng Eden na binanggit sa Lumang Tipan ng Biblia. Maayos at payapang…
Kagalakan
Palapit na ang panahon ng aking pagreretiro dahil sa katandaan. Parang napakabilis ng takbo ng panahon at gusto kong pabagalin ang oras. Masaya kasi ako at nagagalak sa nangyayari sa aking buhay. Ang bawat araw ay bigay sa akin ng Dios na siyang nagpapasaya sa akin. Kaya naman, masasabi ko ang sinabi sa Awit, “Kataastaasang Dios na Panginoon namin, napakabuting magpasalamat…
Mahal tayo ni Jesus
Noong mga bata pa kami ng kapatid kong si Maysel, lagi niyang kinakanta sa sarili niyang paraan ang isang kilalang awiting pambata. Naiinis ako dahil iniiba niya ito. Ganito niya ito inaawit,“Mahal ako ni Jesus, alam ko ito, ‘pagkat ito ang sinasabi ng Biblia kay Maysel.” Sigurado ako bilang mas nakatatanda at mas maraming alam kaysa sa kanya na ang…
Dakilang Pagmamahal
Minsan, inuwi namin sa aming bahay ang mahigit isang taong gulang naming apo na si Moriah. Iyon ang unang beses na matutulog siya sa amin na hindi kasama ang mga nakatatanda niyang kapatid. Dahil doon, sa kanya lang namin naibuhos ang lahat ng atensyon at pagmamahal noong araw na iyon. Sinamahan namin siyang maglaro at ginawa namin ang mga gusto niyang…