Matuto Sa Mga Bata
Naantig ang aming mga puso nang minsang magpunta kami ng aking kaibigan sa isang mahirap na lugar sa Nairobi, Kenya. Kaawa-awa ang kalagayan nila roon. Gayon pa man, nakaramdam kami ng sigla nang makita namin ang mga bata na punong-puno ng tuwa habang tinatawag ang kanilang mchungaji o pastor. Malugod na sinalubong ng mga musmos na iyon ang kanilang pastor…
Tunay Na Kalayaan
Ang pelikulang Amistad ay ang kuwento ng mga aliping Aprikano noong 1839. Nang dadalhin na sila sa isang lugar sakay ng isang barko, sinubukan nilang lumaban. Napatay nila ang kapitan ng barko at ang ilang mga tauhan nito. Kalaunan, muli na naman silang nabihag, ikinulong at nilitis. Hindi makakalimutan ang eksena sa korte kung saan paulit-ulit na isinisigaw ng pinuno…
Kayang Tumulong
Nang magkaroon ng walong buwang bakasyon si Joe sa kanyang trabaho, naging social worker siya sa isang simbahan sa Amerika. Naranasan din ni Joe ang tumira sa lansangan. Sa loob ng 13 araw, namuhay siya noon sa kalsada at halos walang makain. Iyon naman ang paghahandang ginawa sa kanya ng Dios para sa kanyang ministeryo sa pagtulong sa mga nangangailangan.…
Mahalaga Pa Kaysa Sa Buhay
Kahit na mahal ni Mary si Jesus - naging mahirap ang buhay niya. Naunang pumanaw ang dalawang anak at dalawang apo niya, mga biktima ng barilan. Na-stroke siya kaya di maigalaw ang kalahati ng kanyang katawan. Pero nang kaya na niya, nagsimba na agad siya at doon, kahit putol putol ang pagsasalita, nagpupuri siya sa Panginoon: “Iniibig ko si Jesus;…
Pinalaya Ni Hesus
Napakatagal kong nanirahan kasama ang nanay ko kaya siya na ang nagdesisyon na umalis! Ito ang mga salitang sinabi ni KC noong hindi pa niya nakikilala si Jesus. Aminado si KC sa mga maling gawi niya noon tulad ng pagnanakaw sa pamilya niya para bumili ng ipinagbabawal na gamot. Pero hindi na iyan ang buhay ngayon ni KC. Matagal na…
Mananaig Ang Pag-ibig
Namatay mula sa isang malagim na aksidente ang nanay ni Chris na si Shondra. Pero natagpuan ni Chirs ang sarili niya na sinasabi ang mga salitang ito, “Mananaig ang pag-ibig sa galit.” Kabilang ang nanay niya at walo pang mga tao ang namatay sa isang aksidente matapos ang isang pag-aaral tungkol sa Biblia. Ano kaya ang nagbago sa buhay ng…
Magtiwala sa Dios
Ang iskultor na si Doug Merkey ang lumikha ng obrang Ruthless Trust. Hugis tao ito na yari sa tanso. Nakayakap ang tao sa isang krus na yari naman sa kahoy. Ayon kay Merkey, ipinapakita ng kanyang obra ang tunay na pagsuko at pagtitiwala kay Cristo at sa Magandang Balita ng kaligtasan.
Ganito rin namang uri ng pagtitiwala sa Dios ang ipinakita…
Nagbubunga Hanggang Huli
Kahit na 94 na taong gulang na si Lenore Dunlop, masayahin parin siya, matalas ang memorya at may nakakahawang kasiglahan sa pagmamahal kay Jesus. Palagi siyang makikitang kasama ang mga kabataan at nagpapasaya at nagpapalakas sa kanila. Napakasigla ng buhay ni Lenore kaya lubos naming ikinalungkot ang pagkamatay niya. Para siyang isang manlalaro na buong lakas na tumakbo papunta sa dulo.…