Nabago ang buhay ni Dennis ng bigyan siya ng Biblia. Nawili siya sa pagbabasa at ang aklat na ang lagi niyang kasama. Sa loob ng anim na buwan, dalawang pangyayari ang dumating kay Dennis na nakapagpabago sa kanyang buhay. Una, nagtiwala siya sa Dios para sa kapatawaran ng kanyang mga kasalanan.

Pangalawa, nalaman niyang mayroon siyang tumor sa utak matapos makaranas ng pagsakit ng ulo. Dahil sa kanyang karamdaman, nananatili na lamang si Dennis sa kanyang higaan at hindi na rin siya maaaring makapagtrabaho. At isang gabi, hindi siya makatulog dahil sa tindi ng sakit ng kanyang ulo, taimtim at umiiyak siyang nanalangin sa Dios.

Kapag may karamdaman tayo lagi tayong nananalangin sa Dios. Ngunit mayroong talagang mga pagkakataon na naglalapit sa atin sa Kanya. Bago pa ang gabi ng pakikipagbuno ni Dennis sa kanyang sakit, humarap naman ang takot na si Jacob sa Dios (Genesis 32:24-32). Para kay Jacob, hindi pa tapos ang kanyang problema dahil sa ginawa niya sa kanyang kapatid na si Esau (Kap. 27), at natatakot siya sa magiging kapalit nito. Sa paghingi niya ng tulong sa Dios, nakita ni Jacob ang Dios (32:30) at naging isang bagong tao.

Ganito rin naman ang nangyari kay Dennis, matapos ang mataimtim niyang pananalangin niya sa Dios. Nakatayo siya mula sa kanyang higaan at ayon sa pagsusuri ng mga doktor wala na siyang tumor. Iba’t iba man ang paraan ng Dios para pagalingin tayo, makaaasa tayong naririnig Niya ang ating mga panalangin.