
Ayon Sa Espiritu
Napakaganda ng tunog ng pianong ginagamit ko noong hindi pa nawawala sa tono ang ilang mga nota. Tandang- tanda ko pa ang aking pagkamangha habang pinapakinggan ang pagtugtog sa pianong iyon ng ilang awitin tulad ng “Dakila Ka.” Sa pamamagitan ng piano tuner, muling maisasatono ang bawat nota na nawala sa tono para kapag tinugtog na ito, magkakalakip-lakip na ang…

Naliligaw
Dahil nakatira malapit sa bukid, napansin ni Michael Yaconelli na mahilig maglibot ang mga baka dahil sa paghahanap ng makakain. Patuloy sila sa paglalakad sa pagnanais na makakita ng mas maraming damo hanggang sa makarating na sa kalsada. Dahil dito, unti-unti na silang napapalayo sa bukid at tuluyan nang naliligaw. Tulad ng mga baka, mahilig ding maglibot ang mga tupa…

Nakakalimot Tayo
Napansin ng isang babae na paulit-ulit ang itinuturo na sermon ng pastor sa kanilang simbahan. Kaya tinanong niya ang pastor, “Bakit po paulit-ulit na lamang ang sermon na itinuturo ninyo?” Ang sagot naman ng pastor, “Dahil madali tayong makalimot.”
Marami nga tayong nakakalimutan agad. Nakakalimutan natin ang ating password o kung saan natin ipinarada ang ating sasakyan. Malimit na idinadahilan natin…

Ang Paborito
Malapit sa puso namin ang bayaw kong si Gerrits kahit napakalayo ng tirahan niya sa amin. Mabuti ang kanyang puso at mahusay siyang magpatawa. Madalas naman siyang biruin ng mga kapatid niya na siya ang paborito ng kanilang ina. Ilang taon na ang nakakaraan, binigyan pa nila si Gerrits ng t-shirt na may tatak na, “Ako ang Paborito ni Nanay.” Kahit…

Pamamaalam
“Malapit nang pumanaw ang tatay mo.” Iyan ang sinabi sa akin ng nars na nagbabantay sa kanya. Matinding kalungkutan ang nadama ko nang marinig ko iyon. Sa huling araw ng aming tatay, umupo ako at ang kapatid ko sa tabi niya. Hinagkan namin ang kanyang ulo at muli naming ipinaalala ang mga pangako ng Dios sa kanya. Inawit din namin…