
Makakaya Niya
Dinala ng isang babae ang keyk patungo sa kahera. Kasama niyang binili ang birthday card at iba pang pagkain. Tila pagod na pagod ang babae. Kasama niya ang umiiyak niyang anak sa tabi niya. Nang sabihin na ng kahera ang presyo ng lahat ng binili niya, nalungkot ang babae. “Siguro kailangan kong ibalik ang iba kong pinamili. Para sana sa kaarawan…

Tapat Na Pananampalataya
Hawak-kamay kaming naglalakad ng bulilit kong apo para bumili ng kanyang bagong damit. Papasok na kasi siya sa unang pagkakataon sa eskuwela. Kaya naman, nasasabik siya sa maraming bagay. Gusto ko rin malubos ang kaligayahan ng aking apo. Kaya, nang mabasa ko sa daan ang isang nakasulat, “Ang mga Lola ay mga inang punong-puno ng kagalakan.” Tingin ko, ito talaga…

Sulat
Ilang taon na ang lumipas nang napagtanto ni Dr. Jerry Motto ang kahalagahan ng mga sulat na nagpapahayag ng pagmamalasakit. Nalaman niya ito noong nagbigay siya kasama ng kanyang mga katrabaho ng mga sulat sa mga pasyenteng nagtangkang magpakamatay. Halos kalahati sa mga nakabasa ng sulat na naglalaman ng pagmamalasakit ay hindi na nagtangkang magpakamatay pa. Hanggang ngayon naman, nagpapadala…

Dakilang Pagmamahal
Kakasimula pa lang matutong lumangoy ng tatlong taong gulang na si Dylan McCoy pero isang aksidente na ang naganap. Nahulog siya sa apatnapung dipang balon ang lalim sa bakuran ng lolo niya. Nanatiling nakalutang si Dylan sa tubig hanggang dumating ang tatay niya para sagipin siya. Tumulong din ang mga bumbero para maligtas ang bata. Matinding pag-aalala ang nadama ng…

Luntian
Inanunsyo ng kapitan ang pagkakaroon ng “delay” o pagkaantala sa aming pag-alis. Sa loob ng dalawang oras, nakaupo lang ako at walang ibang magawa, kaya naman naiinis na ako. Dahil matapos ang isang linggong pagtratrabaho sa malayo, gustong-gusto ko nang makauwi at magpahinga. Pero hanggang kailan? Sa pagtingin ko sa labas ng bintana. Napansin ko ang berdeng damo na tumubo sa…