Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni James Banks

Maging Tapat

Hindi maganda ang simula ng araw ng aking apo. Hindi niya mahanap ang paborito niyang damit at ang sapatos naman na gusto niyang suotin ay napakainit. Nainis siya at ibinaling ang kanyang galit sa akin na kanyang lola. Umupo siya at saka umiyak.

Tinanong ko siya kung bakit siya naiinis at nag-usap kami sandali. Nang tumahan na siya, nagtanong ulit ako…

Kayamanan

Naglalakad ang mag-asawang sina Juan at Maria sa kanilang lupain nang may mapansin silang isang kinakalawang na lata na nakabaon sa lupa. Kinuha nila ang lata at binuksan sa kanilang bahay. Nadiskubre nila na naglalaman ito ng mga gintong barya na halos isang daang taon na. Bumalik sila sa lugar kung saan nila ito nakita at nakahukay pa sila ng maraming…

Masigasig na Pananalangin

Pinupunasan ni Kevin ang kanyang luha habang inaabot ang isang maliit na papel sa asawa kong si Cari. Alam ni Kevin na matagal na naming idinadalangin ang aming anak na babae na manumbalik sa Panginoon. Sinabi niya, “Nakita ang papel na ito na nakaipit sa Biblia ng nanay ko noong kamamatay pa lang niya. Makapagbigay sana ito sa inyo ng lakas…

Pinahiram na Pagpapala

Minsan, magkasama kaming kumain ng kaibigan kong si Jeff. Nanalangin siya, “Panginoon, salamat po dahil hinahayaan N’yong langhapin namin ang hangin at kainin ang pagkain na mula sa Inyo.” Kamakailan lang ay nawalan ng trabaho si Jeff kaya lubos akong naantig sa taos-puso niyang pagkilala na ang Dios ang nagmamay-ari ng lahat. Naisip ko tuloy kung naiintindihan ko ba talaga na…

Pagkukumpara

Minsan, nakasama kong kumain ang kaibigan kong si Sue at ang kanyang asawa. Natawa ako sa sinabi ni Sue, “Ipopost ko na lahat sa Facebook kahit ang mga hindi magaganda!”

May mabuting naidudulot sa atin ang Social Media. Nakakatulong ito para patuloy na makausap at maipanalangin ang ating mga kaibigan. Gayon pa man, may masama rin itong epekto. Halimbawa, maaari tayong…