Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni James Banks

Sumandal kay Jesus

Minsan, isinandal ko ang ulo ko sa isang unan at nanalangin. Iniisip ko sa panahong iyon na para bang nakasandal ako kay Jesus. Sa tuwing ginagawa ko iyon, naaalala ko ang sinabi sa Biblia tungkol kay Juan na apostol ni Jesus. Isinulat ni Juan ang tagpo kung saan nakasandal siya kay Jesus noong huling hapunan nila. Sinabi ni Juan, “Nakasandal…

Ipagkatiwala

Naglalaro ako ng basketball noong nasa kolehiyo ako. Pursigido ako na sundin at ipagkatiwala sa aming coach ang pagtuturo sa amin para maging maayos ang aming paglalaro.

Hindi makakabuti sa aming koponan kung magsasabi ako ng ganito: “Nandito na ako, coach. Gusto kong maglaro ng basketball pero ayaw kong gawin ang sinasabi mo na tumakbo nang paulit-ulit at dumipensa. Ayaw kong…

Alalahanin Mo

Pitong taong hirap na hirap ang anak ko para tigilan ang pagkalulong nito sa droga. Nang mga panahong iyon, nahihirapan din kaming mag-asawa sa sitwasyon ng aming anak. Idinalangin namin siya habang inaantay namin ang kanyang paggaling. Natutunan naming magalak sa mga simpleng araw na walang anumang nangyayaring gulo sa loob ng isang araw sa aming pamilya. Ipinapaalala ng masasayang araw…

Sambahin Siya

Marami sa ginagawa nating Belen tuwing sasapit ang pasko ay nagpapakita na laging nandoon ang mga Pantas sa mismong kapanganakan ni Jesus. Pero ayon sa aklat ni Mateo sa Bagong Tipan kung saan doon lang nabanggit ang tungkol sa mga Pantas, wala sila sa mismong kapanganakan ni Jesus.

Hindi man nakapunta ang mga Pantas sa mismong kapanganakan ni Jesus sa sabsaban,…

Manalangin

Madalas na ginagamit ng Dios ang ating pananalangin sa pagsasakatuparan ng mga nais Niyang gawin. Makikita natin ito nang ipinangako ng Dios sa propetang si Elias na magpapadala Siya ng ulan para matigil na ang tagtuyot na tumagal nang tatlo at kalahating taon (Santiago 5:17). Kahit ipinangako ng Dios na darating na ang ulan, idinalangin pa din ito ni Elias. Umakyat…

Kausap ang Sarili

Kinakausap mo ba ang sarili mo? Kung minsan, kapag may ginagawa ako, sinasabi ko sa aking sarili ang iniisip ko. Kung may makakakita sa akin na nagsasalita nang mag-isa, mahihiya pa din ako kahit halos lahat naman sa atin ay kinakausap ang sarili.

Madalas na kinakausap ng mga sumulat ng Awit sa Biblia ang kanilang sarili. Kinakausap ng sumulat ng ika116…