Palaging Kasama
“Alam ko kung saan nakatira ang Dios.” Ito ang sinabi ng apat na taong apo namin sa asawa kong si Cari. Tinanong naman siya ng asawa ko, “Saan?” Muling sumagot ang apo ko, “Nakatira po Siya sa kakahuyan malapit sa bahay mo.”
Nang mapag-usapan namin ni Cari ang tungkol sa pangyayaring iyon, napaisip siya kung bakit ganoon ang sinabi ng…
Nakikita Niya
Nililinis ni Ann ang lugar kung saan ako nag-eehersisyo sa hotel na tinutuluyan ko. Nagkaroon kami ng pagkakataong magkausap. Nalaman ko na may magandang kuwento ang buhay ni Ann.
Ikinuwento ni Ann, “Dati akong isang masamang babae at gumagamit ng bawal na gamot. Pero alam kong nais ng Dios na magbago ang buhay ko at sumunod sa Kanya. Isang araw, nanalangin…
Kapayapaan
Taong 1914, Bisperas ng Pasko sa Belguim, narinig ng mga sundalong Aleman at Amerikano sa kanilang mga kampo ang awiting “Silent Night” na nakasalin sa wikang Aleman at Ingles. Lumabas ang dalawang panig ng kasundaluan sa kanilang mga kampo upang magkamayan, magbatain ng “maligayang Pasko” at magbahaginan ng kanilang mga pagkain sa isa’t-isa sa tinatawag nilang “no man’s land” o lugar kung…
Presenya Sa Pasko
“Walang nakarinig sa Kanyang pagdating, ngunit sa mundong puno ng kasalanan, kung saan matatanggap pa rin natin Siya, ang mahal na Cristo.” Linya ito sa kantang isinulat ni Phillip Brooks na “O Little Town Of Bethelem.” Tumutukoy ang kanta sa pinakasentro ng Pasko. Ang pagdating ni Jesus sa mundo, upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan at bigyan ang sinumang magtiwala…
Makabuluhang Buhay
“Magbabakasyon tayo!” Ito ang masayang sinabi ng asawa ko sa tatlong taong gulang naming apo na si Austin. Sagot naman ni Austin, “Hindi ako magbabakasyon. Pupunta ako sa isang misyon!”
Hindi namin alam kung saan nalaman ng apo namin ang tungkol sa pagmimisyon. Pero napaisip ako sa sinabi niya. Nasa isip ko pa rin ba na ako’y nasa isang misyon…