Noong 1925, nadiskubre ni Langston Hughes na nasa hotel kung saan nagtatrabaho niya ang makatang hinahangaan niya, si Vachel Lindsey. Ipinakita niya kay Lindsey ang ilan sa mga isinulat niyang tula, na masayang pinuri naman ni Lindsey sa publiko. Nagresulta ang pagpapalakas na iyon para makakuha si Hughes ng scholarship at mapalapit sa sarili niyang karera sa pagsusulat.

Malayo ang nararating ng isang pagpapalakas ng loob, lalo kung nandoon ang Dios. May pangyayari din naman sa Biblia ang kung saan tumatakas si David kay Haring Saul na gustong “patayin siya”. Pinuntahan ni Jonatan na anak ni Saul si David “para palakasin ang pananampalataya niya sa Dios. Sinabi ni Jonatan, ‘Huwag kang matakot. Hindi ka magagalaw ng aking ama... Magiging hari ka ng Israel’” (1 Samuel 23:15-17).

Tama si Jonatan. Naging hari nga si David. Ang susi sa epektibong pagpapalakas na inalok ni Jonathan ay matatagpuan sa simpleng mga salita: “sa Dios” (Tal. 16). Sa pamamagitan ni Jesus, binibigyan tayo ng Dios ng “walang hanggang kalakasan at matibay na pag-asa” (2 Tesalonica 2:16). Habang ibinababa natin ang sarili natin, itinaas Niya tayo na hindi kayang gawin ng iba.

Sa palibot natin, maraming nangangailangan ng lakas mula sa Dios. Kung aabutin natin sila at marahan silang ituturo sa Dios sa pamamagitan ng mabuting salita o gawa, Siya na ang gagawa ng iba pa. Anuman ang mangyari sa buhay na ito, isang maliwanag na kinabukasan ang naghihintay sa mga nagtitiwala sa Kanya.