Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni John Blase

TUMAWAG SA DIOS

Sa aklat na Adopted for Life, ikinuwento ni Dr. Russell Moore ang karanasan ng kanilang pamilya nang bumisita sila sa isang ampunan upang mag-ampon ng bata. Pagpasok nila sa silid, agad nilang napansin ang katahimikan. Walang umiiyak na sanggol sa mga kuna. Hindi dahil wala silang pangangailangan, kundi dahil natutunan na nilang walang darating para tumugon at magmalasakit sa kanila.…

PAMBIHIRANG KAIBIGAN

Ilang taon na kaming ‘di nagkikita ng isang matagal ko nang kaibigan. Nalaman niyang may kanser siya at sinimulan niyang magpagamot. Sa isang ‘di-inaasahang pangyayari, nakapunta ako malapit sa lugar nila kaya puwede ulit kaming magkita. Pagpasok ko pa lang sa restawran, pareho na kaming naiyak. Matagal na nang huli kaming nagkasama at ngayong tila nariyan na sa isang sulok…

KANLUNGAN

Naging tirahan at kanlungan na ng iba’t ibang uri ng hayop ang Rocky Mountain Arsenal National Wildlife Refuge. Nagsimula ito bilang lugar kung saan nakatira ang mga baka. Hanggang nadiskubre na may mga agila ring matatagpuan doon. Ngayon, isang ligtas na kanlungan ito ng higit sa tatlong daang species ng iba’t ibang klase ng hayop.

Sa Biblia rin naman, binanggit…

MAKIPAG-UGNAYAN

Ugali ni Madeleine L’Engle, isang manunulat, na tawagan ang nanay niya linggo-linggo. Nang mas tumanda na ang ina, dinalasan pa niya ito para lang makipag-ugnayan. Ganoon din, nais ni Madeleine kapag tinatawagan siya ng mga anak niya para panatilihing masigla ang ugnayan nila. Minsan mahaba ang usapan nila na puno ng mahahalagang tanong at sagot. Minsan naman, sapat nang masigurong…

MAGPALAKASAN NG LOOB

Tinawag ko itong “himala ng pagdapo ng berde.” Nangyayari ito tuwing tagsibol. Pagkatapos ng taglamig, maalikabok at kulay kayumanggi ang damo sa aming bakuran. Puwedeng isiping patay na ito. Bagama’t may niyebe sa mga bundok sa Colorado, tuyo ang klima sa kapatagan. Kaya kadalasan, maraming mga babala tungkol sa panahon ng tagtuyot. Pero bawat taon, sa katapusan ng Mayo, pinapagana…