Tunay na Tahanan
Tinanong ako ng aking limang taong gulang na anak kung bakit kami aalis at lilipat ng bahay. Mahirap ipaliwanag sa kanya na kahit na lilipat kami ng bahay na titirhan ay mananatili pa rin naman ang aming tahanan. Maituturing kasi nating tahanan ang ating mga mahal sa buhay. Sila ang ating palaging kasama matapos ang ginagawa natin sa maghapon.
Sa Bagong…
Iisang Layunin
Ang mais na tinatawag din maize ay siyang pangunahing pagkain ng bansang Mexico. Maraming uri ang mga mais. May kulay dilaw, tsokolate, pula, at itim na mga mais. Mayroon ding mais na may iba’t ibang kulay, pero hindi masyadong kinakain ang uri ng mais na ito. Ayon kay Amado Ramirez, isang mananaliksik at may-ari ng isang restaurant, naniniwala ang mga Mexicano na…
Nagtutulungan
Noong unang panahon, itinuturing na isang talunan ang isang bansa kapag wasak ang pader na nakapaligid dito. Kaya, muling inayos ng mga Israelita ang pader ng Jerusalem. Sinabi sa Biblia na ginagawa nila ito ng nagtutulungan.
Binanggit naman sa aklat ng Nehemias ang listahan ng mga taong tumulong para maayos muli ang pader. Sa unang tingin ay masasabi na tila nakakatamad…
Buksan ang mga Mata
Minsan, pumunta ako nang mag-isa sa isang simbahan sa bansang Turkey. Nakita ko sa kisame ang magagandang larawan. Nakaguhit dito ang iba’t ibang larawan ng mga kuwento sa Biblia. Pero sa pangalawang pagkakataon na muli kong puntahan ang mga ito ay may kasama na akong dalubhasa na nagpaliwanag ng mga detalye na hindi ko napansin noon. Tila nagkaroon ng koneksyon ang…
Ituon ang paningin
Nahihilo na agad sa biyahe ang anak ko hindi pa man nakakalayo ang bangkang sinasakyan namin. Nang makaramdam narin ako ng hilo, pinipilit ko na lang ang sarili ko na tumingin sa pinagtatagpuan ng langit at dagat. Nakakatulong daw ito para mas maging maayos ang pakikiramdam sa paligid.
Alam ng Dios na gumawa ng hangganan ng langit at dagat na darating…
Siya ang Kapayapaan
Si Grace ay isang kahanga-hangang babae. Pumapasok sa isip ko ang salitang kapayapaan sa tuwing naaalala ko siya. Ang payapa at panatag na ekspresyon ng kanyang mukha ay hindi nagbago sa loob ng anim na buwan kahit na mayroong malubhang sakit ang kanyang asawa.
Tinanong ko si Grace kung ano ang sikreto ng kanyang kapayapaan. Sabi niya, “Hindi ito isang sikreto.…
Tumingin kay Jesus
Inilalarawan ng manunulat ng awit na si Ruben Sotelo ang hirap na dinanas ni Jesus sa krus sa kanyang awiting “Tumingin sa Kanya.” Nais niyang tumingin tayo sa krus at manahimik dahil wala tayong maaaring masambit sa dakilang pag-ibig na ipinakita ni Jesus sa atin. Dahil sa paglalarawan ng Biblia tungkol sa sakripisyo ni Jesus, maaari nating gunitain sa ating mga…
Matamis at Mapait
May mga tao na gusto ang mapait na tsokolate at ang iba nama’y matamis. Hinahaluan ng sili noon ng mga katutubo sa Amerika ang tsokolate na kanilang iniinom. Tinawag nilang mapait na tubig ang tsokolate. Pero iba naman ang ginawa ng mga Espanyol, hinaluan nila ng asukal at pulot ang tsokolate. Sa gayon, tumamis ito at hindi na masyadong mapait.
Tulad…
Maging Matapang
Laging natatakot si Hadassah na bida sa librong A Voice in the Wind na isinulat ni Francine Rivers. Isang batang babaing Judio si Hadassah na sumasampalataya kay Jesus. Alipin siya sa sambahayan ng isang Romano. Kaya naman, natatakot siya na baka pagmalupitan siya dahil sa kanyang pananampalataya. Alam kasi ni Hadassah na kinamumuhian ng mga Romano ang mga mananampalataya, pinapatay o…
Nilinis
Tatlong taon na ang nakakalipas, pumunta kami ng pamilya ko sa isang bundok na binabalot ng snow. Iyon ang unang pagkakataon namin na makakita ng snow dahil sa naninirahan kami sa mainit na klima. Habang pinagmamasdan namin ang kapaligiran na binabalutan ng puting-puting snow, nagbanggit ang asawa ko ng isang talata sa Biblia. “Gaano man kapula ang inyong mga kasalanan, kayo’y…