Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Leslie Koh

Manatiling Matatag

Inalok si Simon ng mas mataas na posisyon sa trabaho. Tinanggap niya ito matapos niyang ipanalangin at ihingi ng payo. Naramdaman niya na mula sa Dios ang oportunidad na iyon. Naging maayos naman ang paglipat niya at sinuportahan din iyon ng nakatataas sa kanya. Pero hindi iyon nagustuhan ng ilan sa mga katrabaho niya. Naisip niya tuloy na baka dapat niyang…

Tanggap Tayo

Lubos na nahirapan si Angie sa eskuwelahang pinapasukan niya dahil puro matatalino ang mga kaklase niya. Nahirapan siyang makipagsabayan sa kanila. Nang ilipat na si Angie sa isang ordinaryong paaralan, nalungkot siya at ang kanyang mga magulang. Sa bansang Singapore kasi kung saan siya nag-aaral, mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng maayos na trabaho ang mga nakatapos sa magagandang eskwelahan…

Tanungin Muna ang Dios

Noong bago pa lang kaming mag-asawa, nahirapan akong hulaan kung ano ang mga gusto ng misis ko. Gusto ba niya na kumain sa labas o sa bahay na lang? Ayos lang ba sa kanya na makipagkita ako sa mga kaibigan ko o gusto niya na ilaan ko lang sa kanya ang oras ko tuwing katapusan ng bawat linggo?

Minsan, nagpasya ako…

Kasiyahan sa Pagbibigay

Minsan, isang linggo akong matamlay at tinatamad. Hindi ko naman maipaliwanag kung bakit ganoon ang nararamdaman ko.

Pero bago matapos ang linggong iyon, nabalitaan kong nagkasakit sa bato ang tiyahin ko at kailangan ko siyang dalawin. Gusto ko naman siyang dalawin, pero naisip ko na sa ibang araw na lang. Gayon pa man, tumuloy pa rin ako. Nagkuwentuhan kami at sinamahan…

Patas na Laro

Nalaman ng atletang si Ashley Liew na nagkamali pala ng inikutan ang mga kapwa niya atleta kaya nahuhuli ang mga ito. Maaari na sana niyang samantalahin ang pagkakataon para manalo pero naisip niya na hindi ito tunay na pagkapanalo. Nais niyang manalo dahil mas mabilis siya at hindi dahil nagkamali ang mga kasama niya. Dahil dito, binagalan niya ang takbo upang…

Markang iiwan

Minsan, pumunta kami sa isang abandonadong rantso ng mga anak ko. Habang naglilibot ako sa rantso, may nakita akong lumang libingan. Dahil sa matagal na panahong lumipas, hindi na mababakas ang anumang marka o nakasulat sa libingan. Nakakalungkot isipin na ang taong nakalibing doon ay nakalimutan na. Nang makauwi ako, nagsaliksik ako tungkol sa kung sino ang nakalibing doon. Pero, wala…

Dalawang Pangako

Ilang taon na ang nakalipas mula nang magkaroon ng kanser si Ruth. Nahihirapan siya kumain, uminom, at lumunok dahil sa kanyang karamdaman. Kinailangan niyang sumailalim sa maraming operasyon at gamutan para gumaling. Pero sa kabila nito ay nanatili siyang matatag.

Patuloy pa ring nagpapasalamat si Ruth sa Dios sa kabila ng kanyang karamdaman. Matatag ang kanyang pananampalataya at dalisay ang kanyang…

Nawala Pero Nakita

Minsan, nabahala kaming mag-asawa nang aming mabalitaan na nawawala ang ina ng aking asawa. May sakit pa naman ang kanyang ina ng pagkawala ng alaala. Iniisip namin na nagpalaboy-laboy siya o sumakay ng bus para umuwi. Habang iniisip namin ang maaaring mangyari sa aking biyenan, idinalangin namin sa Dios na makita namin siya.

Makalipas ang ilang oras, may nakakita sa aking…

Mahalin ang Kapwa

Dumadalo ako sa pagtitipon ng mga nagtitiwala kay Jesus na nasa isang malawak na damuhan. Madalas mong makikita sa bansang Singapore ang ganitong pinagtitipunan. Minsan, may mga dayuhan na nagtatrabaho sa aming bansa ang gumagamit ng aming lugar. Nagpipiknik sila roon tuwing linggo.

Sa pangyayaring iyon, may ilan sa mga kasama ko na dumadalo sa aming pagtitipon ang nainis. Nakita kasi…