Nais nang sumuko sa buhay ni Siu Fen nang malaman niya na mayroon siyang sakit sa bato at habang buhay na siyang magda-dialysis. Kahit matagal na siyang sumasampalataya kay Jesus, hindi na niya makita ang layunin kung bakit kailangan pa niyang mabuhay. Retirado na kasi siya at wala ring asawa. Pinalakas naman ng mga kaibigan niya ang kanyang loob at kinumbinsi na patuloy na magpagamot at ipagkatiwala sa Dios ang lahat.

Pagkalipas ng 2 taon, nakita ni Sue na naging kagamit-gamit ang karanasan niyang iyon nang bisitahin niya ang kanyang kaibigan na may malubha ring karamdaman. Lubos na nauunawaan ni Sue ang nararamdaman ng kanyang kaibigan kaya nadamayan niya ito. Kaya naman nasabi ni Sue, “Alam ko na ngayon na magagamit pa rin ako ng Dios.”

Mahirap maunawaan kung bakit kailangan nating dumanas ng mga paghihirap. Gayon pa man, ang mga ito ang gagamitin ng Dios sa mga hindi inaasahang pagkakataon. Ang paglapit natin sa Dios na nagbibigay sa atin ng pagmamahal at kaaliwan sa panahon ng paghihirap ang siyang magbibigay sa atin ng lakas para tulungan ang iba. Ganito ang nangyari kay Apostol Pablo.

Nalaman niya ang layunin ng kanyang paghihirap. Ito ay ang pagkakataon na madama ang pagpapalakas ng loob sa kanya ng Dios at maipadama rin ito sa iba (2 CORINTO 1:3-5). Sa mga panahong nahihirapan tayo, asahan nating may magandang layunin ang Dios kung bakit ito nangyayari.