Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Lisa M. Samra

PATAK NG DUGO

Habang naglilibot ako sa Scottish National Gallery, naagaw ang pansin ko ng isa sa mga ipininta ni Vincent van Gogh na hango sa puno ng olibo. Maraming dalubhasa sa kasaysayan ang nagsasabing hango sa nangyari kay Jesus sa Hardin ng Getsemane ang ipininta ni van Gogh. Makikita kasi sa isa sa mga larawan ang mga patak na kulay pula sa…

TULUNGAN ANG NAHIHIRAPAN

Mabilis na naglakad ang aming pamilya patungo sa paanan ng talon ng La Fortuna sa Costa Rica. Pagdating sa ibaba, natuklasan naming nangangailangan ng tulong ang isang dalaga. Mayroon nang stretcher, pero kailangan ng mas maraming tao upang maihatid siya nang ligtas palabas ng bangin. Kaya sumama kami sa rescue team. Salamat sa pagtutulungan ng bawat isa, ligtas na naihatid…

MAKAPANGYARIHANG PAGSAMA

Noong 2020, ipinagdiwang ang isang daang taon mula nang maipasa ang ika-19 na Susog sa Konstitusyon ng U.S. Nagbigay ito sa mga kababaihan ng karapatang bumoto. Mula sa mga lumang litrato, makikita ang mga nagmamartsang may dalang karatula. Nakasulat sa mga ito ang Salmo 68:11, “Panginoon, nagpadala kayo ng mensahe, at itoʼy ibinalita ng maraming kababaihan.”

Sa Salmo 68 naman,…

KAGALAKANG MAY PAGMAMAHAL

Nakatitig sa isa’t-isa sina Brendan at Katie. Kung titingnan ang masaya at maaliwalas nilang mga mukha, hindi mo mahuhulaan ang hirap na kanilang pinagdaanan para sa kanilang kasal dahil sa COVID-19. Gayon pa man, sa harap ng dalawampu’t lima nilang kapamilya, nandoon pa rin ang saya at kapayapaan sa kanilang mukha habang nagsasabi ng kanilang pangako sa isa’t-isa. Nagpasalamat din…

PAG-IBIG NA NAGPAPATAWAD

Nagdiwang ng ika-80 anibersaryo ng kanilang kasal ang lolo at lola ng asawa ko na sina Pete at Ruth noong Mayo 31, 2021. Pinagtagpo sila ng pagkakataon noong 1941. Nasa high school pa lang noon si Ruth. Di kalaunan, nagpakasal na rin sila. Naniniwala sina Pete at Ruth na pinagtagpo sila ng Dios at Siya ang gumabay sa kanila sa maraming…