“Maraming tao ang may sugat na hindi natin nakikita." Sinabi ito ng isang manlalaro sa Major League Baseball na si Andrelton Simmons. Nagbitiw si Simmons mula a kanyang team bago magtapos ang regular season ng palaro noong 2020. Ang dahilan? Mental health struggles o mga pagsubok sa pag-iisip. Dahil sa kanyang pinagdaanan, napagdesisyunan ni Simmons na ibahagi ang kanyang kuwento upang magbigay ng lakas ng loob sa mga taong may parehong sitwasyon tulad niya, at paalalahanan ang ibang laging magmalasakit sa kapwa.

May mga taong may dala-dalang matitinding sakit na dulot ng mga sugat na hindi nakikita. Tulad ni David nang isulat niya ang Salmo 6. Siya raw ay “nanghihina na” (TAL. 2) at “labis na nababagabag” (TAL. 3). Siya’y “pagod na sa pagdaing” at gabi-gabi’y basa ang kanyang unan dahil sa pagluha (TAL. 6). Kahit hindi natin alam ang dahilan ng pagdurusa ni David, naiintindihan natin ang naramdaman niya. Dahil alam natin paano masaktan.

At gaya ni David, kaya rin nating maging matatag sa gitna ng anumang sakit. Sa gitna ng matindi niyang pagdurusa, dumaing si David sa Dios. Taos-puso, humiling siya na pagalingin (TAL. 2), iligtas (TAL. 4), at tulungan (TAL. 9) siya ng Dios. Kahit pa may tanong na “Kailan po...?” (TAL. 3) sa puso niya, nanatiling nagtitiwala si David na diringgin at sasagutin siya ng Dios (TAL. 9-10).

Sadyang laging may pag-asa kapag kasama natin ang Dios.