Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Monica La Rose

Pangangalaga Ng Dios

Bida sa isang palabas sa telebisyon si Ginoong Adrian Monk. Isa siyang detective na maraming kinatatakutan gaya na lamang ng mga karayom, bubuyog, pagsakay sa elevator at marami pang iba. Pero nang makulong sila ng kontrabidang si Harold Krenshaw sa likuran ng isang kotse, napagtagumpayan niya ang isang kinatatakutan niya. Ito ay ang claustrophobia o ang takot na makulong sa isang…

Wastong Pananalita

Sa mga nagdaang taon, iminumungkahi ng mga manunulat ng tungkol sa Dios na dapat muling sariwain ng mga taong sumasampalataya kay Cristo ang tunay na kahulugan ng pananampalataya. Sinabi ng isang manunulat na tila nawawala ang tunay na kahulugan ng isang salita kapag lagi itong ginagamit. Sinabi rin niya na maaaring malayo ang tunay na pagkakaunawa natin sa Magandang Balita…

Katulad Ng Pagmamahal Ni Jesus

“Maayos naman ang hitsura niya, hindi lang gaanong kaganda para magustuhan ko siya”. Ganito inilarawan ni Mr. Darcy si Elizabeth sa nobelang Pride and Prejudice na isinulat ni Jane Austen. Dahil sa sinabing iyon ni Mr. Darcy, hindi ko na siya gusto at wala na akong planong bigyan pa siya ng atensyon dahil sa kasamaan ng ugali niya.

Sa nobelang iyon,…

May Plano Ang Dios Sa Buhay Mo

Ang werewolf mouse ay isang hayop na maliit pero malakas. Gumagawa ito ng mga matitinis na ingay na nagpapahiwatig na pag-aari nila ang isang lugar. Walang anumang insekto o hayop ang sumusubok na kalabanin sila maliban na lang sa mga alakdan.

Laging handa ang mga werewolf mouse sa maaaring mangyari laban sa mga alakdan; dahil sa paulit-ulit na labanan, nasasanay na ang…

Magandang Kinabukasan

May mga pagkakataon na kapag nakaranas tayo ng matinding kabiguan sa buhay ay iniisip natin na wala nang saysay pa ang mabuhay. Ganito ang naranasan ni Elias na naging isang bilanggo noon sa Amerika. Sinabi niya, “Nang mabilanggo ako, nawalan na ako ng pag-asa sa buhay at sa magiging kinabukasan ko.”

Pero nabago ang buhay ni Elias nang magkaroon siya…