Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Sheridan Voysey

Ligtas na Lugar

Noong ang aming asong si Rupert ay tuta pa lamang, takot siyang pumunta sa parke. Nang minsang dinala ko siya roon, pinakawalan ko siya para mas malaya siyang makapaglibot pero dali-dali lamang itong tumakbo pabalik sa aming bahay. Doon niya kasi nararamdaman na ligtas siya.

Ipinaalala naman sa akin ng pangyayaring iyon ang isang lalaki na nakasabay ko sa eroplano. Nagpakalasing…

Ibigin ang Kaaway

Isang magandang nobela ang Peace Like a River na isinulat ni Leif Enger. Tungkol ito kay Jeremiah Land na isang ama na mag-isang nagpapalaki sa kanyang tatlong anak. Nagtatrabaho siya bilang janitor sa isang eskuwelahan. Mababasa sa kuwento kung paano niya hinarap nang may pananampalataya ang bawat pagsubok sa kanyang buhay.

Ang eskuwelahan kung saan nagtatrabaho si Jeremiah ay pagmamay-ari ni…

Libre lahat

Ang Café Rendezvous sa London ay isang negosyong itinayo ng ilang mga sumasampalataya kay Jesus. Pagkalipas ng isang taon, nagkaroon ng napakalaking pagbabago sa Café Rendezvous. Ginawa nilang libre ang lahat ng kanilang itinitinda. Minabuti nilang gawin iyon dahil pakiramdam nila, ito ang gusto ng Dios na gawin nila. Hindi rin sila humihingi ng donasyon. Libre talaga ang lahat.

Tinanong…

Magbigay

Nagtatrabaho si Cheryl sa isang kainan. Bilang bahagi ng kanyang trabaho, naghahatid siya ng pagkain sa mga bahay. Minsan, sa halip na sa isang bahay, sa pagtitipon ng mga sumasampalataya kay Jesus siya naghatid.

Nilapitan si Cheryl ng pastor doon at saka siya tinanong, “Hindi madali ang buhay para sa iyo, ’di ba?” Nang sumang-ayon si Cheryl, inabutan siya ng Pastor…

Kaningningan ng Dios

Nakapunta ako sa isang napakagandang lugar sa Australia, ang Lord Howe. Para itong maliit na paraiso dahil sa puting buhangin at napakalinaw na tubig. Maaaring lumangoy doon kasama ang mga pagong, isda, atbp. habang tanaw ang kalangitan. Ang labis na paghanga ko sa lugar na iyon ang nag-udyok sa akin para sambahin ang Dios.

Ayon sa isinulat ni apostol Pablo, ang…

Maging Mapagpasalamat

Dahil sa magkakalayo ang lugar sa Australia at madaling maaksidente ang mga nagmamaneho kapag pagod na, nagtayo sila ng mga lugar kung saan puwedeng magpahinga. Itinayo nila ito sa mga kalsadang madalas daanan ng mga sasakyan. At sa mga pahingahang iyon, nagbibigay sila ng libreng kape.

Nang minsang magbiyahe kami ng asawa ko, huminto muna kami sa isa sa mga pahingahan.…